

2 images
Ang Segovia ay isang lungsod sa Espanya, kabisera ng lalawigan ng Segovia, sa pamayanang awtonomo ng Castilla y León. Ito ay matatagpuan sa hilaga ng Madrid, 30 minutos lang sa pamamagitan ng mabilis na tren. Ang lungsod ay pinaninirahan ng mga humigit-kumulang 55,500 katao.
Noong taong 1985, ang lumang bayan ng Segovia at ang akwedukto nito ay idineklara ng UNESCO bilang World Heritage.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.