factograf
TL
Sign in

Ortona

Ortona

Key facts

populasyon22,209
labuwad70.88km²
ay halimbawa ngmunisipalidad ng Italya
bansaItalya
nasa pampangasiwaang teritoryoChieti
All data from the card 7
Bansa
Italya
Rehiyon
Abruzzo (ABR)
Lalawigan
Chieti (CH)
• Kabuuan
70.88 km2 (27.37 milya kuwadrado)
• Kabuuan
23,111
Sona ng oras
UTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)

Ang Ortona ay isang comune sa lalawigan ng Chieti sa bansang Italya.

Noong 1943 ang Ortona ay ang lugar ng isang madugong labanan, na kilala bilang "Kanlurang Stalingrad". Ang isang santong patron ng ng Ortona ay si Santo Tomas ang Alagad (Tommaso), na ang mga labi ay dinala sa Ortona noong ika-13 siglo ng isang mandaragat at itinatago sa Katedral ng Santo Tomas.

Heograpiya

Ang Ortona ay matatagpuan sa isang bangin sa baybaying Adriatico.

Ang teritoryo ng Ortona ay napapaligiran sa timog ng Ilog Moro at sa hilaga ng Ilog Foro.

Kasaysayan

Ang mga pinagmulan ng Ortona ay hindi tukoy. Marahil, ito ay unang tinirhan ng mga Frentani, isang Italikong populasyon. Noong 2005, sa mga gawain malapit sa Kastilyo, isang lupon ng mga tirahan mula sa Panahon ng Tanso, at ang bayang Roman ay natuklasan. Ang ilang mga seksiyon ng mga aspaltong kalsada at pader ng lunsod, pati na rin ang ilang mga arkeolohikong natuklasan ay ang natitira lamang sa panahong ito. Ang Ortona ay nanatiling isang bahagi ng Silangang Imperyong Romano (na paglaon ay ang Imperyong Bisantono) sa loob ng maraming siglo, bago ito isama ng Kaharian ng mga Lombardo. Noong 803 isinama ng Franco ang Ortona sa bayan ng Chieti. Mula sa panahong iyon, ang bayan ay nanatiling nakatali sa Chieti at sa teritoryo nito.

Mga pangunahing pasyalan

  • Katedral ng San Tommaso (mga labi ng santong si Thomas ang Alagad)
  • Museo ng Katedral
  • Simbahan ng Santa Maria di Costantinopoli
  • Simbahan ng Santa Caterina d'Alessandria
  • Parola
  • Medyebal na Kastilyong Aragona
  • Museo ng Labanan sa Ortona
  • Canadienseng Sementeryo ng Digmaang Ilog Moro
  • Trabucchi (mga makinang pangisda) sa dagat

Ugnay Panlabas

  • (sa Italyano)Punong Websayt
Institusyong Pampubliko
  • Pambansang Tanggapan ng Estadistika Naka-arkibo 2009-12-07 sa Wayback Machine.
  • ENIT Italian State Tourism Board Naka-arkibo 2008-03-27 sa Wayback Machine.
  • ENIT Hilagang Amerika Naka-arkibo 2017-05-02 sa Wayback Machine.
  • Italian Railways
  • Italian National at Regional Parks

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Read next

In 65 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article