factograf
TL
Sign in

Gissi

Gissi

Key facts

populasyon2,479
labuwad36.65km²
ay halimbawa ngmunisipalidad ng Italya
bansaItalya
nasa pampangasiwaang teritoryoChieti
All data from the card 7
Bansa
Italya
Rehiyon
Abruzzo (ABR)
Lalawigan
Chieti (CH)
• Kabuuan
36.65 km2 (14.15 milya kuwadrado)
• Kabuuan
2,706
Sona ng oras
UTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)

Ang Gissi ay isang comune sa lalawigan ng Chieti sa bansang Italya.

Ito ay hinahanggan ng dalawang sanga ng Ilog Sinello at napapalibutan ng mga ubasan at taniman ng mga olibo.

Kasaysayan

May mga tao na sa Gissi mula pa noong sinaunang panahon. Noong ika-12 siglo ito ay nasa ilalim ng impluwensiya ng pamilya D'Avalos.

Mga pangunahing pasyalan

Ang Palazzo Carunchio at ang mga guho ng kastilyo ay huwarang halimbawa ng mga gusali, balkonahe, at mga eskinita ng bayan. Itinayo noong ika-19 na siglo, ang Palazzo Carunchio ngayon ay nagsisilbing Munisipyo, at naririto ang mga tanggapang pang-administratibo ng bayan. Ang bayan ay may iba pang magagandang halimbawa ng palazzi mula ika-18 at ika-19 na siglo, na pinalamutian ng magagandang detalye sa arkitektura. Kapansin-pansin din na maraming mga tahanan ng Gissi ang natatakpan ng gesso, isang materyal na nakuha mula sa kalapit na mga yungib at burol.

Kultura

Ang Gissi ay tahanan ng iba't ibang mga piyesta at pagdiriwang, na marami sa mga ito ay mga pangrelihiyon sa pagdiriwang ng mga santo. Kasama rito ang pagdiriwang ng 20 Mayo kay San Bernardino ng Siena, na inilibing sa L'Aquila sa katedral na alay sa kaniyang pangalan. Kasama sa iba pang mga piyesta ang Kapistahan ni Santa Lucia sa Agosto 20 at ang Piyesta ng San Roque sa Agosto 19.

Ugnay Panlabas

  • (sa Italyano)Punong Websayt
Institusyong Pampubliko
  • Pambansang Tanggapan ng Estadistika Naka-arkibo 2009-12-07 sa Wayback Machine.
  • ENIT Italian State Tourism Board Naka-arkibo 2008-03-27 sa Wayback Machine.
  • ENIT Hilagang Amerika Naka-arkibo 2017-05-02 sa Wayback Machine.
  • Italian Railways
  • Italian National at Regional Parks

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Read next

In 52 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article