factograf
TL

Xiamen

Xiamen

Key facts

populasyon5,163,970
labuwad1,699km²
ay halimbawa nglungsod sa antas prepektura, malaking lungsod
bansaRepublikang Bayan ng Tsina
nasa pampangasiwaang teritoryoFujian
All data from the card 23
Bansa
Tsina
Lalawigan
Fujian
Antas-kondado namga paghahati
6 distrito
• Kalihim ng CPC
Hu Changsheng
• Alkalde
Zhuang Jiahan
• Antas-prepektura & Sub-probinsiyal na lungsod
1,699.39 km2 (656.14 milya kuwadrado)
• Urban
281.6 km2 (108.7 milya kuwadrado)
• Metro
3,217.98 km2 (1,242.47 milya kuwadrado)
• Antas-prepektura & Sub-probinsiyal na lungsod
3,531,347
• Urban
1,861,289
• Metro
5,114,758
• Pangunahing mga kabansaan
Han: 96%Manchu: 2%Hui: 2%Mongol: 0.3%
Sona ng oras
UTC+8 (China Standard)
Kodigong postal
361000
Kodigo ng lugar
592
Kodigo ng ISO 3166
CN-FJ-02
GDP
2018
- Kabuuan
CNY 479.141 bilyon (US$69.22 bilyon)
- Sa bawat tao
CNY 109,740 (US$16,253)
- Paglago
7.7%
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan
闽D
Wika
Pamantayang Mandarin (kinikilala), Xiamen Min Nan (Bernakularyong pampook)
Websayt
www.xm.gov.cn

Ang Xiamen (厦门) maaaring tawagan sa pagbigkas na Hokkien bilang Amoy [e˨˩ bŋ̍˨˨ ʨʰi˨˨], ay isang sub-probinsiyal na lungsod sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Fujian, Republikang Bayan ng Tsina, sa tabi ng Kipot ng Taiwan. Nahahati ito sa anim na mga distrito: Huli, Siming, Jimei, Tong'an, Haicang, at Xiang'an. Magkasamang sumasaklaw ang mga ito sa lawak na 1,699.39 kilometro kuwadrado (656.14 mi kuw) na may populasyon ng 3,531,347 katao noong 2010. Lumawak ang urbanisadong pook ng lungsod mula sa orihinal na pulo nito upang masama ang mga bahagi ng lahat ng anim na mga distrito, na may kabuuang populasyon na 1,861,289 katao. Ang lugar na ito ay nakaugnay sa Quanzhou sa hilaga at sa Zhangzhou sa kanluran, kaya bumubuo ito sa isang daklungsod na may higit na limang milyong katao. Ang Jinmen o Kapuluang Kinmen na pinamamahalaan ng Republika ng Tsina ay nasa layong hindi hihigit sa 6 kilometro (4 mi) mula rito.

Ang Pulo ng Xiamen ay may isang likas na daungan sa Look ng Yundang, ngunit ang pandaigdigang kalakalan ng Fujian ay matagal nang pinahintulutan lamang sa Quanzhou o sa Guangzhou sa lalawigan ng Guangdong. Dahil sa pagbabanlik (ang pag-ipon o pagdami ng banlik o silt) sa daungan ng Quanzhou, iginiit ng mga Briton na buksan ang Xiamen bilang isa sa mga pantalan para sa pandaigdigang kalakalan sa isang kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Opyo noong 1842. Sa ilalim ng Qing, kapuwa bago at kasunod ng digmaan, mayroon malakihang pangingibang-bayan ng mga Tsino mula katimugang Fujian na nagpalaganap ng mga pamayanang Hokkien sa Singgapur, Malaysia (lalo na sa Penang), Indonesya (Medan at Lalawigan ng Riau) at sa Pilipinas. Ang mga Tsino sa ibayong-dagat ay patuloy na sumusuporta sa mga institusyong pang-edukasyon at pangkalinangan ng Xiamen. Bilang bahagi ng Opening Up Policy sa ilalim ni Deng Xiaoping, ang Xiamen ay naging isa sa unang apat na mga special economic zones ng Tsina na binuksan para sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan noong unang bahagi ng dekada-1980. Ang dating daungan nito ay sinara gamit ang lupang hinukay noong pagpapalawak ng lungsod. Ngunit nananatiling isang pulo ang lungsod na ini-uugnay ng mga, tulay papunta sa ibang bahagi ng kalupaang Tsina.

Kilala ang lungsod sa katamtamang klima nito, kulturang Hokkien at Pulo ng Gulangyu, gayon din sa mababang polusyon nito. Noong 2006, pumapangalawa ang Xiamen sa Tsina bilang "pinaka-angkop na lungsod para sa pamumuhay." Nangunguna rin ito bilang "pinakaromantikong libangang lungsod" sa Tsina noong 2011.

Read next

In 75 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article