
Ang Portoscuso (Portescusi sa wikang Sardo) ay isang comune sa Lalawigan ng Sulcis Iglesiente, rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga 75 kilometro (47 mi) sa kanluran ng Cagliari at mga 14 kilometro (9 mi) hilagang-kanluran ng Carbonia. Ang mga wikang ginagamit dito ay Italyano at Sardo Campidanes.
Ang Portoscuso ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Carbonia, Gonnesa, at San Giovanni Suergiu.
Kasaysayan

Nagmula ang bayan noong ika-17 siglo mula sa isang nayon na tinitirhan ng mga mangingisda ng tuna at sagay. Ang pangalan nito ay nagmula sa Catalan na Puerto Escos (nakatagong daungan). Ito ay naging isang comune noong 1853, sa panahon ng pamamahala ng Pamilya Saboya.
Kabilang sa mga kilalang tanawin ang Toreng Españaol (ika-16 na siglo), ang simbahan ng Madonna d'Itria (ika-17 siglo) at ang Arsenal, na kilala bilang Su Pranu (ika-17 siglo).
