factograf
TL

Karl Popper

Karl Popper

Key facts

petsa ng kapanangakanHulyo 28, 1902
petsa ng kamatayanSetyembre 17, 1994
nag-aral saUniversity of Vienna
hanapbuhaypilosopo, manunulat
lugar ng kapanangakanViena
All data from the card 8
Ipinanganak
28 Hulyo 1902Vienna, Austria-Hungary
Namatay
17 Setyembre 1994 (92 taong gulang) London, England
Nasyonalidad
Austro-British
Panahon
20th century philosophy
Rehiyon
Western philosophy
Relihiyon
Lutheranism (de jure)Agnosticism (de facto)
Eskwela ng pilosopiya
Critical rationalismLiberalism
Mga pangunahing interes
EpistemologyRationalityPhilosophy of scienceLogicSocial and political philosophyMetaphysicsPhilosophy of mindOrigin of lifeInterpretation of Quantum mechanics

Si Sir Karl Raimund Popper, CH FRS FBA (28 Hulyo 1902 – 17 Setyembre 1994) ay isang pilosopong Austro-British at propesor sa London School of Economics. Siya ay pangkalahatang itinuturing na isa sa pinakadakilang mga pilosopo ng agham ng ika-20 siglo. Ekstensibo rin siyang sumula sa pilosopiyang panlipunan at pampolitika. Noong 1992, siya ay ginawaran ng Kyoto Prize in Arts and Philosophy para sa "pagsisimbolo ng bukas na espirito ng ika-20 siglo" at malaking impluwensiya sa pagkakabuo ng modernong klimang intelektuwal".

Si Popper ay kilala sa kanyang pagtakwil sa klasikong obserbasyonalista/induktibistang anyo ng pamamaraang siyentipiko para sa empirikal na pagpapamali. Siya ay kilala rin sa kanyang pagsalungat sa klasikong hustipikasyonistang salaysay ng kaalaman na kanyang pinalitan ng kritikal na rasyonalismo na unang 'hindi hustipikasyonal na pilosopiya ng pagbatikos' sa kasaysayan ng pilospiya. Sa diskursong politika, siya ay kilala sa kanyang pagtatanggol sa demokrasyong liberal at mga prinsipyo ng kritisismong panlipunan na kanyang pinaniwalaang gumawang posible sa isang yumayabong na bukas na lipunan.

Read next

In 96 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article