factograf
TL
Sign in

Zungoli

Zungoli
All data from the card 14
Bansa
Italya
Rehiyon
Campania
Lalawigan
Avellino
• Mayor
Paolo Caruso
• Kabuuan
19.22 km2 (7.42 milya kuwadrado)
Taas
657 m (2,156 tal)
• Kabuuan
1,073
• Kapal
56/km2 (140/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugar
Zungolesi
Sona ng oras
UTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
83030
Kodigo sa pagpihit
0825
Websayt
Opisyal na website

Ang Zungoli ay isang bayan at komuna sa lalawigan ng Avellino, Campania, katimugang Italya, mga 58 kilometro (36 mi) mula sa bayan ng Avellino.

Matatagpuan sa makasaysayang distrito ng Irpinia sa pagitan ng Lambak Ufita at Kabundukang Dauno, ang Zungoli ay ginawaran ng dalawang kaledad na marka: Bandiera arancione at I borghi più belli d'Italia.

Ang bayan ay bahagi ng Katoliko Romanong Diyosesis ng Ariano Irpino-Lacedonia at ang teritoryo nito ay nasa hangganan ng mga munisipalidad ng Anzano di Puglia, Ariano Irpino, Flumeri, Monteleone di Puglia, San Sossio Baronia, at Villanova del Battista.

Heograpiyang pisikal

Ang Zungoli ay matatagpuan sa taas na 657 m mula sa antas ng dagat at umaabot sa lawak na 19.13 km². Matatagpuan sa kanan ng batis ng Vallone, ang nayon ay nakatayo sa isang maliit na burol na parang toba, na nakaharap sa Bundok Molara. Ito ay isang tipikal na nayon ng Irpinia, na ang makasaysayang sentro ay tinatawid ng mga kalyeng may bato, na kadalasang umaakyat sa gilid ng burol sa anyo ng mga hagdang bato.

In 55 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article