factograf
TL

Yatomi

Yatomi

Key facts

populasyon43,038
labuwad48.92km²
ay halimbawa nglungsod ng Hapon
bansaHapon
araw ng pagtatagAbril 1, 2006
nasa pampangasiwaang teritoryoPrepektura ng Aichi
All data from the card 12
Bansa
Hapon
Rehiyon
Chūbu (Tōkai)
Prepektura
Aichi
• Kabuuan
49.00 km2 (18.92 milya kuwadrado)
• Kabuuan
44,589
• Kapal
910/km2 (2,400/milya kuwadrado)
Sona ng oras
UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- Puno
Sakura
- Bulaklak
Antirrhinum majus
Bilang pantawag
0567-65-1111
Adres
Minamihonda 335,Maesu-cho, Yatomi-shi, Aichi-ken 498-8501
Websayt
City of Yatomi Opisyal na websayt

Ang Yatomi (弥富市 Yatomi-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Disyembre 2019, may tinatayang populasyon na 44,589 katao ang lungsod sa 18,185 mga kabahayan, at kapal ng populasyon na 910 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 49.0 kilometro kuwadrado (18.9 mi kuw).

Kasaysayan

Lumitaw ang pangalang Yatomi bilang pangalan ng pook sa mga dokumentong buhat sa panahong Kamakura, bilang bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Owari. Noong panahong Edo, nakilala ang lugar sa pagpapa-alaga ng mga goldpis na ginagamit bilang palamuti. Noong panahong Meiji, binuo sa lugar ang mga nayon sa ilalim ng Distrito ng Kasai, Prepektura ng Aichi, kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Ang Distrito ng Kasai ay naging Distrito ng Ama, Aichi paglaon. Itinatag ang bayan ng Yatomi noong Agosto 26, 1903. Ang Bagyong Isewan noog Setyembre 26, 1959 ay nagdulot ng malawakang pinsala sa lugar. Hindi nagtagumpay ang mga pagtangkang isanib ang Yatomi sa karatig bayan ng Kanie noong 2004 dahil sa pagtatalo hinggil sa pagpapangalan ng magiging bagong entidad.

Itinatag ang lungsod ng Yatomi noong Abril 1, 2006, mula sa pagsasanib ng bayan ng Yatomi at ng nayon ng Jūshiyama (na mula sa Distrito ng Ama).

Heograpiya

Matatagpuan ang Yatomi sa pambaybaying mga kapatagan ng kanlurang dulo ng Prepektura ng Aichi, at kahangga ang Prepektura ng Mie sa kanluran. Mayroon itong maigsing baybaying-dagat sa Look ng Mikawa ng Karagatang Pasipiko sa timog-silangan.

Kalapit na mga munisipalidad

Demograpiya

Ayon sa datos ng senso sa Hapon, tuluy-tuloy ang paglaki ng populasyon ng Yatomi sa nakalipas na 60 mga taon.

Makasaysayang populasyon
TaonPop.±%
1960 20,440—    
1970 27,311+33.6%
1980 36,457+33.5%
1990 38,971+6.9%
2000 42,175+8.2%
2010 43,280+2.6%

Mga kawing panlabas

May kaugnay na midya ang Yatomi, Aichi sa Wikimedia Commons

  • Opisyal na websayt ng Lungsod ng Yatomi (sa Hapon)

Read next

In 40 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article