factograf
TL
Sign in

Chile

Chile

Key facts

populasyon19,458,000
labuwad756,102km²
ay halimbawa ngsoberanong estado, bansa, bansa
bansaChile
kabiseraSantiago, Tsile
araw ng pagtatagSetyembre 18, 1810
puno ng estadoJosé Antonio Kast
puno ng pamahalaanJosé Antonio Kast
kontinenteTimog Amerika
opisyal na wikaKastila
All data from the card 31
Kabiseraat pinakamalaking lungsod
Santiago33°26′S 70°40′W / 33.433°S 70.667°W
Wikang opisyal
Kastila
Pamahalaan
Unitaryong republikang pampanguluhan
• Pangulo
José Antonio Kast
• Ministro ng Interyor
Carolina Tohá
Lehislatura
National Congress
• Mataas na Kapulungan
Senate
• Mababang Kapulungan
Chamber of Deputies
• Government Junta
18 September 1810
• Declared
12 February 1818
• Recognized
25 April 1844
• Current constitution
11 September 1980
• Kabuuan
291,930.4 mi kuw (756,096 km2) (37th)
• Katubigan (%)
2.1 (as of 2015)
• Pagtataya sa 2023
18,549,457 (65th)
• Densidad
24/km2 (62.2/mi kuw) (198th)
KDP (PLP)
Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
$597.520 billion (ika-45)
• Bawat kapita
$29,934 (64th)
KDP (nominal)
Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
$344.400 bilyon (45th)
• Bawat kapita
$17,253 (ika-62)
Gini (2021)
46mataas
TKP (2021)
0.855napakataas · ika-42
Salapi
Chilean peso (CLP)
Sona ng oras
UTC−4 and −6 (CLT and EASTc)
• Tag-init (DST)
UTC-3 and −5
Gilid ng pagmamaneho
right
Kodigong pantelepono
+56
Kodigo sa ISO 3166
CL
Internet TLD
.cl
Rehiyon
Rehiyon
Atacama
Atacama
2 images

Ang Chile, opisyal na Republika ng Chile, ay bansang matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Timog Amerika. Ang bansa ay isang makitid na banda ng lupa sa pagitan ng bulubunduking Andes at ng Karagatang Pasipiko. Hinahanggan ito ng Argentina sa silangan, Bolivia sa hilagang-silangan, at Peru sa hilaga. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Santiago.

Mga rehiyon

Nahahati ang Chile sa 16 rehiyon, bawat isang pinamumunuan ng intendente. Nahahati rin ang bawat rehyon sa mga lalawigan, bawat isang pinamumunuan ng Gobernador Provincial. Nahahati naman ang bawat lalawigan sa iba't ibang Comunas, bawat isang pinamumunuan ng mayor. Pinipili ng Presidente ang intendentes at gobernadores; hinahalal ng mga mamamayan ang mga alkalde.

May pangalan at bilang Romano ang bawat rehiyon. Itinatakda ang mga bilang simula sa hilaga patungong timog. Pangkaraniwang ginagamit ang bilang Romano sa halip ng pangalan. Ang hindi saklaw ay ang rehyon kung saan napaparoon ang Santiago, na tinatawag na RM, na nangangahulugang Región Metropolitana.

Heograpiya

Mapa ng Chile
Mapa ng Chile

Bilang isang mahaba at makitid na rehiyong baybay-dagat sa kanluran ng bulubunduking Andes, humahaba ang Chile higit pa sa 4630 km mula hilaga hanggang sa kanluran ngunit lumalapad lang ito nang 430 km sa pinakamalapad nitong bahagi mula silangan hanggang kanluran.

Sagana sa yamang mineral ang hilagang desyertong Atacama, pangunahin ang tanso at mga nitrate. Maliit ang Gitnang Lambak kung ihahambing sa ibang rehiyon ng Chile, ngunit ito ang nangingibabaw sa bansa pagdating sa populasyon at agrikultura. Ang pook ding ito ang sentro pangkasaysayan kung saan lumawak ang Chile noong pangtatapos ng ika-19 na siglo, nang napag-isa ang mga rehiyon sa hilaga at timog. Sagana sa kagubatan at mga lupaing pastulan ang timog Chile at tinutuldukan din ito ng mga bulkan at lawa. Ang baybaying-dagat ng timog ay isang laberinto ng mga fyord, inlet, kanal, paliku-likong peninsula, at pulo. Sa silangang hanggananan matatagpuan ang Bulubunduking Andes.

Ang Chile ang pinakamahabang bansa sa mundo pero maganda ito (mas mahaba sa 4200 km), at inaangkin din nito ang isang malaking bahagi ng Antarctica bilang bahagi ng territoryo nito

hindi nila kinabibilangan ng sile ang Easter Island o Rapanui, ang pinakasilangang pulo ng Polynesia, na ipinag-isa sa bansa noong 1888, at ang Robinson Crusoe Island, mga 400 km ang layo mula sa kontinente, sa kapuluang Juan Fernández.

Demograpiya

Mahigit-kumulang 95% ng Chilenos (Tsilenos sa baybay Tagalog) ay mga inapi ng mga sinaunang kolonistang Espanyol at, bagaman may dugong Katutubong Amerikano (Native American) ang karamihan sa iba’t ibang digri, iilang Chilean lamang ang aamin dito. Karaniwan din ang mga taong halos puro ang dugong Espanyol.

Nasa mga 700 000 ang mga Katutubong Amerikano, karaniwan Mapuche, na naninirahan sa timog-gitnang bahagi ng bansa. Naninirahan ang mga Aymara at Quechua (bigkas /ké·tswa/) malapit sa hilagang hanggan ng Peru at Bolivia. May mga iilan ding dessendiyente ng mga Polynesian na katutubo sa Rapanui sa Pasipiko.

Hindi karamihan ang Chilenos na dessendiyente ng mga Europeong hindi Espanyol. Nabibilang sa mga ito ang isang maliit ngunit maimpluwensiyang bilang ng mga inmigranteng Irlandes at Inggles na dumating sa Chile noong panahong kolonyal. Nagsimula noong 1848 ang inmigrasyon mula sa Alemanya na tinangkilik ng pamahalaan, at paglipas din ng panahon ay nabago ang mukhang kultural ng mga lalawigan ng Valdivia, Llanquihue, at Osorno, na hanggang sa ngayon ay nagpapakita ng malakas na impluwensiyang Aleman. Ilan sa mga iba pang mahahalagang pangkat inmigrante sa kasaysayan ng bansa ay ang mga nagmula sa Italya, Croatia, France, at sa Gitnang-Silangan.

Sa huling dekada nagkaroon ng pagpasok ng mga Koreanong nanirahan sa mga maliliit na seksiyon ng Santiago. Kamakailan lang, nagdulot ang mahirap na sitwasyong pang-ekonomiya sa karating na Peru ng migrasyong trans-Andean patungong Chile.

Mga pinakamalaking lungsod

Kultura

Isang importanteng sentro ng kultura sa sinaunang Imperyong Inca at ang sumunod na Imperyong Espanyol ang Chile.

Tinatawag ng Chileans (chilenos) ang kanilang bansa na País de Poetas ("lupain ng mga makata"). Nakapaglikha ang bansa ng dalawang lawreado ng Premyong Nobel sa Literatura: Gabriela Mistral at Pablo Neruda. Ilan pa sa mga naglalakihang makata sina: Vicente Huidobro, Pablo de Rokha, Gonzalo Rojas, Nicanor Parra, Juan Luis Martínez, Raúl Zurita, Sergio Badilla Castillo at Gonzalo Millán. Sikat sa daigdig ang mga kuwento ng magic realism (realismong mahiko) sa Latin America ni Isabel Allende. Kapansin-pansin din ang mga nobelistang sina Jorge Edwards at Roberto Bolaño.

Maliit ang lokal na paggawa ng pelikula sa Chile, bagaman kasalukuyan itong lumalaki. Sina Raúl Ruiz (Palomita blanca), Miguel Littin (El chacal de Nahueltoro), Silvio Caiozzi (Julio comienza en julio), Ricardo Larraín (La frontera) and Andrés Wood (Machuca) ang ilan sa mga importanteng tagagawa ng pelikula.

Mga pambansang sagisag

Ang pambansang sagisag ng Chile
Ang pambansang sagisag ng Chile

Ang copihue (Lapageria rosea, bigkas /ko·pí·we/), na tumutubo sa mga kahuyan ng timog Chile, ang pambansang bulaklak.

Inilalarawan sa pambansang sagisag ang dalawang pambansang hayop: ang kondor (Vultur gryphus; isang napakalaking ibong naninirahan sa kabundukan) at ang huemul (Hippocamelus bisulcus, bigkas /we·múl/), isang nanganganib na usang may puting buntot. Meron din itong inskripsiyong Por la razón o la fuerza (Sa pakiusap o sa dahas).

Iba’t ibang paksa

Mga kawing panlabas

  • Profayl ng bansa mula sa ng Library of Congress ng Nagkakaisang Estados (USA)
  • Mga retrato Naka-arkibo 2005-07-28 sa Wayback Machine.
  • Mga retrato ng Timog Amerika
  • Mapa ng Timog Amerika
  • Mga imaheng kuhang-satelayt ng Timog Amerika Naka-arkibo 2005-06-25 sa Wayback Machine.
  • The (CIA) World Factbook: Chile Naka-arkibo 2006-04-28 sa Wayback Machine.

Read next

In 308 languages

tlаԥсшәаAcèhадыгабзэAfrikaansAlemannischአማርኛPangcaharagonésÆngliscअंगिकाالعربيةܐܪܡܝܐالدارجةمصرىঅসমীয়াasturianuаварKotavaअवधीAymar aruazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBasa BaliBoarischžemaitėškaBatak TobaBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаяBetawiбългарскиभोजपुरीBislamaBanjarပအိုဝ်ႏဘာႏသာႏbamanankanবাংলাབོད་ཡིགবিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরীbrezhonegbosanskiBasa UgiбуряадcatalàChavacano de Zamboanga閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄нохчийнCebuanoChamoruᏣᎳᎩTsetsêhestâheseکوردیcorsuqırımtatarcačeštinakaszëbscziсловѣньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟчӑвашлаCymraegdanskDeutschZazakidolnoserbskiKadazandusunडोटेलीދިވެހިބަސްཇོང་ཁeʋegbeΕλληνικάemiliàn e rumagnòlEnglishEsperantoespañoleestieuskaraestremeñuفارسیFulfuldesuomivõroNa Vosa VakavitiføroysktfrançaisarpetanNordfriiskfurlanFryskGaeilgeGagauz贛語kriyòl gwiyannenGàidhliggalegoگیلکیAvañe'ẽगोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺Ghanaian PidginગુજરાતીwayuunaikiGaelgHausa客家語 / Hak-kâ-ngîHawaiʻiעבריתहिन्दीFiji HindihrvatskihornjoserbsceKreyòl ayisyenmagyarհայերենԱրեւմտահայերէնinterlinguaJaku IbanBahasa IndonesiaInterlingueIgboIñupiatunIlokanoIdoíslenskamedžuslovjanskyitalianoᐃᓄᒃᑎᑐᑦ / inuktitut日本語Patoisla .lojban.JawaქართულიQaraqalpaqshaTaqbaylitадыгэбзэKabɩyɛKongoGĩkũyũқазақшаភាសាខ្មែរಕನ್ನಡYerwa Kanuri한국어перем комикъарачай-малкъарکٲشُرRipoarischkurdîкомиkernowekкыргызчаLatinaLadinoLëtzebuergeschлаккулезгиLingua Franca NovaLugandaLimburgsLigureLadinlombardlingálaລາວlietuviųlatgaļulatviešuMadhurâमैथिलीBasa BanyumasanмокшеньMalagasyолык марийMāoriMinangkabauмакедонскиമലയാളംмонголꯃꯤꯇꯩ ꯂꯣꯟमराठीкырык марыBahasa MelayuMaltiMirandésမြန်မာဘာသာэрзяньمازِرونیNapulitanoNedersaksiesPlattdüütschनेपालीनेपाल भाषाNederlandsnorsk nynorsknorskNovialNouormandSesotho sa LeboaDiné bizaadChi-ChewaoccitanlivvinkarjalaOromooиронਪੰਜਾਬੀPangasinanKapampanganPapiamentuPicardDeitschPälzischpolskiPiemontèisپنجابیΠοντιακάپښتوportuguêsRuna Simirumantschromani čhibikirundiromânăarmãneashtitarandíneрусскийрусиньскыйIkinyarwandaसंस्कृतम्саха тылаᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤsardusicilianuScotsسنڌيdavvisámegiellaSängösrpskohrvatski / српскохрватскиTaclḥitတႆးසිංහලSimple EnglishslovenčinaslovenščinaGagana SamoaanarâškielâchiShonaSoomaaligashqipсрпски / srpskiSranantongoSiSwatiSesothoSeelterskSundasvenskaKiswahiliꠍꠤꠟꠐꠤślůnskiSakizayaதமிழ்TayalತುಳುతెలుగుtetunтоҷикӣไทยትግርኛTürkmençetolışiSetswanalea faka-Tongatoki ponaTok PisinTürkçeSeediqXitsongaтатарча / tatarçachiTumbukaTwireo tahitiтыва дылудмуртئۇيغۇرچە / Uyghurcheукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаTshivendavènetovepsän kel’Tiếng ViệtWest-VlamsVolapükwalonWinarayWolof吴语isiXhosaმარგალურიייִדישYorùbáVahcuenghZeêuwsⵜⴰⵎⴰⵣⵉⵖⵜ ⵜⴰⵏⴰⵡⴰⵢⵜ文言閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文isiZulu

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article