Ang Tagliacozzo (Italyano: Neapolitan: Tajacózzo) ay isang bayan at comune sa Lalawigan ng L'Aquila, rehiyon ng Abruzos, gitnang-timog Italya. Isa ito sa I Borghi più belli d'Italia ("Ang mga pinakamagandang nayon ng Italya").
Kasaysayan
Ang Tagliacozzo ay matatagpuan sa isang lugar na tinirhan noong unang panahon ng kasaysayan ng mga Aequi at Marsi, bagaman ang mga unang pagbanggit sa bayan ay mula pa noong ika-11 siglo AD. Kalaunan, ito ay naging pag-aari ng mga Orsini, na nagtatag ng isang mint dito. Hinalinhan sila ng mga Colonna (mga lokal na panginoon kabilang sina Prospero at Marcantonio Colonna), na humawak sa Dukado ng Tagliacozzo hanggang 1806.
Malapit sa modernong lungsod (mas tiyak, malapit sa Scurcola Marsicana) ay naganap ang Labanan sa Tagliacozzo (1268) sa pagitan nina Conradin ng Hohenstaufen at Carlos I ng Anjou, na nagresulta sa pagkatalo ni Conradin at kalaunan ay pagbitay.
Mga pangunahing tanawin

- Palazzo Ducale (Palasyo DuKal), na itinayo noong katapusan ng ika-14 na siglo ni Roberto Orsini.
- Kumbento ng San Francisco, kung saan matatagpuan ang libingan ni Tommaso da Celano.
- Museo Orientale, na may mga koleksiyon ng mga natuklasan mula sa Ehipto, Etiopia, at Silangan.
- Bukal noong ika-18 siglo sa Piazza dell'Obelisco, isang pambansang monumento.
- Santuwaryo ng Maria Santissima dell'Oriente, sa isang burol 3 kilometro (1.9 mi) mula sa bayan. Ito ay binanggit noon pang ika-14 na siglo.
Mga mamamayan
- Andrea Argoli (1570–1657), matematiko, astronomo at astrologo
Mga panlabas na link
- Pahina sa Tagliacozzo sa Borghi più belli d'Italia website
- Mga Larawan ng Tagliacozzo
