factograf
TL
Sign in

Susuman

Susuman

Key facts

populasyon4,152
labuwad28km²
ay halimbawa nggorod
bansaRusya
araw ng pagtatag1936
All data from the card 18
Bansa
Rusya
Kasakupang pederal
Magadan Oblast
Distritong administratibo
Susumansky District
Itinatag
1936
Katayuang lungsod mula noong
1964
• Kabuuan
28 km2 (11 milya kuwadrado)
Taas
650 m (2,130 tal)
• Kabuuan
5,855
• Kapal
210/km2 (540/milya kuwadrado)
• Kabisera ng
Susumansky District
• Distritong munisipal
Susumansky Municipal District
• Urbanong kapookan
Susuman Urban Settlement
• Kabisera ng
Susumansky Municipal District, Susuman Urban Settlement
Sona ng oras
UTC+11 (Magadan Time )
(Mga) kodigong postal
686314
(Mga) kodigong pantawag
+7 41345
OKTMO ID
44713000001
Websayt
magadan.ru/ru/municipal/rnsusuman/susuman.html

Ang Susuman (Ruso: Сусума́н) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Susumansky sa Magadan Oblast, dulong-silangang bahagi ng Rusya. Matatagpuan ito sa Ilog Berelyokh, 650 kilometro (400 milya) hilagang-kanluran ng Magadan, ang sentrong pampangasiwaan ng oblast. Populasyon: 5,855 (Senso 2010); 7,833 (Senso 2002); 16,818 (Senso 1989).

Kasaysayan

Itinatag ang Susuman noong 1936 bilang isang pamayanan ng isang sovkhoz na tinawag na Susuman, na mula sa kalapit na ilog na may kaparehong pangalan. Noong 1938, higit na pinalawak ang pamayanan upang maging sentro ng pagmimina ng ginto sa kanlurang bahagi ng kasalukuyang Magadan Oblast sa ilalim ng pamamahala ng Dalstroy. Malakihang nakadepende ang mga gawaing industriyal sa rehiyon (tulad ng pagmimina ng ginto) sa mga corrective labor camp ng sistemang Gulag, kasama ang isang malaking bilang na nagpapatakbo sa lugar ng Susuman. Mula 1949 hanggang 1956, ang Susuman ay base para sa isa sa mga pinakamalaking corrective labor camp ng Unyong Sobyet, ang Zaplag ng programang Dalstroy. Sa panahong ito, umaabot sa 16,500 bilanggo ang itinago sa mga kampo.

Binigyan ng pambayan na katayuan ang Susuman noong 1964.

Sa panahong kasunod ng Unyong Sobyet, bumaba ang populasyon ng lungsod mula sa mga 18,000 katao noong 1991, pababa sa 5,855 katao magmula noong senso 2010.

Heograpiya

Matatagpuan ang lungsod sa rehiyong Kolyma malapit sa tagpuan ng Ilog Susuman at Ilog Berelyokh. Nakapuwesto ang lungsod sa M56 Kolyma Highway, isang hindi-nakaaspalto na daan na kadalasang kilala bilang "Daan ng mga Buto" ("Road of the Bones"), na nag-uugnay ng Yakutsk sa Magadan.

Ekonomiya

Malakihang nakadepende ang ekonomiya ng lungsod sa katayuan nito bilang isa sa mga sentro ng pagmimina ng ginto sa rehiyon.

Dating pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Susuman na ginawa ngayong monasteryo at simbahang Russian Orthodox.

Demograpiya

Makasaysayang populasyon
TaonPop.±%
1959 13,310—    
1970 12,643−5.0%
1979 16,025+26.7%
1989 16,818+4.9%
2002 7,833−53.4%
2010 5,855−25.3%
Senso 2010:; Senso 2002:; Senso 1989:

Klima

Ang Susuman ay may matinding tuyong-taglamig na klimang subartiko (pag-uuri ng klima ni Köppen: Dwd/Dwc), na may lubhang maginaw at tuyong taglamig at maigsi ngunit banayad na tag-init. Isa ito sa mga pinakamalamig na tinitirhang pamayanan sa mundo, na may taun-taon na tamtamang temperatura na −12.5 °C (9.5 °F)

Datos ng klima para sa Susuman (1937-2012)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) −5.2
(22.6)
−5.2
(22.6)
0.2
(32.4)
12.1
(53.8)
26.1
(79)
32.0
(89.6)
35.0
(95)
33.0
(91.4)
24.4
(75.9)
11.3
(52.3)
2.1
(35.8)
−1.6
(29.1)
35
(95)
Katamtamang taas °S (°P) −33.7
(−28.7)
−28.2
(−18.8)
−17.6
(0.3)
−4.9
(23.2)
8.0
(46.4)
18.6
(65.5)
21.2
(70.2)
17.7
(63.9)
8.7
(47.7)
−8
(18)
−25.2
(−13.4)
−33.6
(−28.5)
−6.4
(20.5)
Arawang tamtaman °S (°P) −37.9
(−36.2)
−33.6
(−28.5)
−25.4
(−13.7)
−12.7
(9.1)
1.9
(35.4)
11.2
(52.2)
13.9
(57)
10.6
(51.1)
2.8
(37)
−13.6
(7.5)
−29.7
(−21.5)
−37.5
(−35.5)
−12.5
(9.49)
Katamtamang baba °S (°P) −42.1
(−43.8)
−39
(−38)
−33.1
(−27.6)
−20.5
(−4.9)
−4.3
(24.3)
3.8
(38.8)
6.5
(43.7)
3.4
(38.1)
−3.2
(26.2)
−19.2
(−2.6)
−34.2
(−29.6)
−41.4
(−42.5)
−18.6
(−1.5)
Sukdulang baba °S (°P) −60.6
(−77.1)
−59.9
(−75.8)
−53.7
(−64.7)
−44
(−47)
−27.5
(−17.5)
−8.8
(16.2)
−4.1
(24.6)
−11.1
(12)
−24.3
(−11.7)
−44.7
(−48.5)
−53.8
(−64.8)
−58.5
(−73.3)
−60.6
(−77.1)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 9.0
(0.354)
7.2
(0.283)
4.3
(0.169)
5.8
(0.228)
13.7
(0.539)
44.6
(1.756)
58.3
(2.295)
58.5
(2.303)
30.6
(1.205)
16.5
(0.65)
11.6
(0.457)
10.7
(0.421)
270.8
(10.66)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) 13.9 11.8 8.1 6.1 7.4 12.7 13.7 13.2 10.2 11.6 13.5 13.1 135.3
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 20 89 213 283 273 291 274 223 152 132 53 10 2,013
Sanggunian: climatebase.ru (1937-2012)

Mga sanggunian

Talababa

Mga pinagkunan

  • Padron:RussiaAdmMunRef/mag/admlist
  • Padron:RussiaAdmMunRef/mag/munlist1
  • Padron:RussiaAdmMunRef/mag/munlist2

Mga kawing panlabas

  • Official website of Susuman (sa Ruso)
  • Unofficial website of Susuman (sa Ruso)

Read next

In 49 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article