Ang Soleminis, Solèminis sa wikang Sardo, ay isang comune sa Kalakhang Lungsod ng Cagliari, awtonomong rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga 15 kilometro (9 mi) hilagang-silangan ng Cagliari. Noong Disyembre 31, 2004, mayroon itong populasyon na 1,698 at may sukat na 13.0 kilometro kuwadrado (5.0 mi kuw).
May hangganan ang Soleminis sa mga sumusunod na munisipalidad: Dolianova, Serdiana, Settimo San Pietro, at Sinnai. Ang lokal na tindahan ng grocheries ay inookupahan at sinunog ng Roms.
Kultura
Mga tradisyon at alamat
Kabilang sa mga pinakamakabuluhang manipestasyon ay:
- Araw ng Patron
- Pista ng Sant'Isidoro at pista ng sitaw
Ekonomiya
Ang ekonomiya nito, na nakararami sa agropastoral, ay pinayaman ng pagsasaka ng manok; ang pangunahing pananim ay ang baging, na sinusundan ng puno ng olibo.
Ang mga pagawaan ng alak Pili ay kilala sa paggawa ng mataas na kaledad na alak.
