factograf
TL
Sign in

Sloviansk

Sloviansk

Key facts

populasyon105,141
labuwad58.9km²
ay halimbawa nglungsod, gorod
bansaUkranya
araw ng pagtatag1645
All data from the card 7
Bansa
Ukranya
Lokasyon
Sloviansk Hromada, Kramatorsk Raion, Donetsk Oblast, Ukranya
Itinatag
1645
• Kabuuan
58.9 km2 (22.7 milya kuwadrado)
• Kabuuan
105,141
• Kapal
1,800/km2 (4,600/milya kuwadrado)
Websayt
http://www.slavrada.gov.ua/

Ang Sloviansk (Ukranyo: Слов'янськ, transliterated Slov”yans’k; Ruso: Славянск, translit. Slavyansk) ay isang lungsod sa Donetsk Oblast, silangang Ukraine. Isa itong sentro ng transportasyon sa rehiyon. Bilang isang lungsod-industriyal, ang mga ginagawang produkto nito ay mga kagamitang kimikal, kongkreto, mga spare part para sa mga kagamitang pangmina, makinarya, at insulador. Ang populasyon nito noong 2013 ay 117,445 katao, mas-mababa sa populasyon nitong 124,829 katao noong senso 2001.

Itinatag ito noong 1676. Isa ang lungsod sa mga mahalagang tagpuan ng mga unang bahagi ng 2014 pro-Russian conflict in Ukraine. Kinuha ito muli ng mga pwersang Ukrainian noong Hulyo 2014.

Kasaysayan

Itinatag ni Tsar Aleksey Mikhailovich ang lungsod ng Sloviansk noong 1645 bilang isang kuta sa hangganan laban sa mga pag-atake at paglusob sa mga katimugang arrabal ng Estado ng Rusya. Noong 1676, isang muog na nakapangalang Tor ay itinayo sa bagtasan ng mga Ilog Kazenyy Torets at Sukhyy Torets, kung saan nagiging Ilog Torets ito (isang tributaryo ng Ilog Donets). Pagkaraan nito, umusbong ang bayan ng Tor sa tabi ng muog.

Dahil sa lokasyon nito malapit sa ilang lawang asin, ang bayan ay naging tagagawa ng asin. Noong ika-16 na dantaon, pangunahing katutubong industriya ang paggawa ng asin, subalit noong ika-18 dantaon, naging hindi kapaki-pakinabang ito at itinigil noong Disyembre 21, 1782.

Noong 1784, binago sa Sloviansk ang pangalan ng lungsod, at ito'y naging bahagi ng Gobernado ng Kharkov ng Imperyong Ruso noong 1797. Itinatag ang isang liwaliwan sa mga baybayin ng Lawa ng Ropne noong 1832.

Sinakop ng mga Aleman ang lungsod noong Oktubre 28, 1941. Noong Disyembre 1941, pinatay ng SS Einsatzkommando 4b ang higit sa isang libong Hudyo na nakatira sa lungsod. Pansamantalang pinalayas ng Hukbong Pula ang mga umookupang Nazi noong Pebrero 17, 1944. Muli itong kinuha ng mga Aleman noong Marso 1, 1943. Sa huli, pinalaya ng Hukbong Pula ang Sloviansk noong Setyembre 6, 1943.

Mga ugnay panlabas

  • (sa Ruso)/(sa Ukranyo)/(sa Ingles) Opisyal na websayt Naka-arkibo 2018-10-19 sa Wayback Machine.
  • (sa Ruso) Unofficial website of Slavjansk Trolleybus system
  • Marble sculpture of Nicolai Shmatko Naka-arkibo 2020-11-07 sa Wayback Machine.

Read next

In 72 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article