factograf
TL

Sistema ng koordinado

Sistema ng koordinado

Sa sukgisan, ang sistema ng koordinado o tayuwatan (Ingles: coördinate system) ay isang kaayusang ginagamit sa pagtukoy ng kinaroroonan ng isang tuldok sa isang manipoldo o espasyong maka-Euclides. Sa pagtiyak, tumutukoy sila sa isa-sa-isang tugunan sa bawa’t tuldok ng espasyo o talangkas sa n-tuple ng mga tunay na bilang. Tinatawag naman na koordinado o katayuwat ang bawa’t n-tuple na nakatakda sa isang tuldok. Dahil walang-hanggan ang dami ng pamamaraan sa pagtugon ng isa-isa sa bawa’t tuldok sa isang {\displaystyle n}-tuple, walang hanggan din ang dami ng posibleng tayuwatan.

Halimbawa

The number line
The number line

Narito ang ilang halimbawa ng pinakakilalang kaayusang katayuwat:

Guhit-bilang

Ito ang isa sa pinakapayak na uri ng sistema ng koordinado, sapagka’t isa-sa-isang tugunan lamang ito ng mga tunay na bilang sa isang guhit. Upang makabuo nito, ay pumili lamang ng isang tuldok sa guhit, na babansaging mulaan nito. Matapos, itinuturing ang katayuwat ng bawa’t tuldok sa guhit bilang katumbas sa itinungong agwat nito mula sa mulaan.

Tingnan din

Mga sanggunian

HeometriyaHeograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Read next

In 96 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article