factograf
TL

San Giovanni Rotondo

San Giovanni Rotondo

Key facts

populasyon26,235
labuwad262km²
ay halimbawa ngmunisipalidad ng Italya
bansaItalya
nasa pampangasiwaang teritoryoFoggia
All data from the card 17
Bansa
Italya
Rehiyon
Apulia
Lalawigan
Foggia (FG)
Mga frazione
Matine
• Mayor
Michele Crisetti
• Kabuuan
261.88 km2 (101.11 milya kuwadrado)
Taas
565 m (1,854 tal)
• Kabuuan
27,172
• Kapal
100/km2 (270/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugar
Sangiovannesi, Sangiuannari (diyalekto)
Sona ng oras
UTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
71013
Kodigo sa pagpihit
0882
Santong Patron
San Juan Bautista
Saint day
Hunyo 24
Websayt
Opisyal na website

Ang San Giovanni Rotondo ay ang pangalan ng isang bayan at komuna sa lalawigan ng Foggia at rehiyon ng Apulia, sa katimugang Italya.

Ang San Giovanni Rotondo ay tahanan ni Padre Pio ng Pietrelcina mula 28 Hulyo 1916 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 23 Setyembre 1968. Ang Simbahang Pamperegrino ni Padre Pio itinayo sa debosyon sa santo at inialay noong 1 Hulyo 2004. Ang bayan ay kilala sa sentro ng ospital at pananaliksik-medikal na Casa Sollievo della Sofferenza (Tahanan para sa Lunas ng mga Nagdurusa) na itinatag ni San Pio ng Pietrelcina.

Ang kalapit na santuwaryo ni San Miguel Arkanghel ay isa ring lugar ng mga peregrinasyon ng mga Katoliko at binisita ni Papa John Pablo II noong 1987.

Kasaysayan

San Giovanni Rotondo sa dapit-hapon
San Giovanni Rotondo sa dapit-hapon

Ang lungsod ng San Giovanni Rotondo ay itinatag noong 1095 sa mga guho ng isang dati nang nayon mula noong ika-4 na siglo BK; nananatili ang mga nakikitang palatandaan ng nayong ito, tulad ng ilang mga libingan at isang pabilog na baptisteryo (ang epiteto na "Rotondo" ay nagmula rito) na, ayon sa tradisyon, ay dating ginamit para sa pagsamba sa diyos na may dalawang mukha na si Jano, at kalaunan ay inilaan kay San Juan Bautista. Noong Huling Gitnang Kapanahunan, palagi itong may mahalagang papel sa organisasyong pang-ekonomiya ng Timog.

Read next

In 63 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article