Ang Rotondi ay isang komuna sa lalawigan ng Avellino sa rehiyon ng Campania sa katimugang Italya.
Kasaysayan
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pagkatapos ng pagbagsak ng Pasismo, ang Rotondi ay sinakop at sinamsam ng mga Nazi hanggang 1944 nang ito ay palayain ng mga tropang Amerikano at Ingles sa daan patungong Roma.
Mga pangunahing tanawin
Arkitekturang panrelihiyoso
- Santuario Maria Santissima della Stella
- Simbahan ng Santissima Annunziata
- Kapilya ng Sant'Antonio Abate
- Kapilya ng Santo Stefano
- Simbahan ng San Sebastiano, sa Campizze
Mga natural na pook
- Villa Comunale
- Ilog Isclero
- Ilog Carmignano
- Kapatagan ng Chiana
- Kapatagan ngSan Berardo
- Kapatagan ng Fieno
- Kapatagan ng Occhio
- Kapatagan ng Pozzo
- Pambansang Liwasan ng Partenio
Arkitekturang sibil
- Makasaysayang Nayon
- Toreng Orasan na matatagpuan sa Piazza Vittorio Emanuele, na itinayo noong ika-18 siglo (dating kilala bilang Piazza Grande). Ang presensiya nito ay dahil, sa simula, sa pagkakaugnay ng estruktura nito sa isang simbahan, na ngayon ay pinalitan ng kasalukuyang bangko. Ang toreng kampanaryo ay nailigtas lamang dahil sa pagsisikap ng mga mamamayan ng Rotondi, na nangolekta ng maraming lagda upang maiwasan ang paggiba nito.
