factograf
TL

ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoryano at ng Juliyano

Pebrero

Pebrero
<< Pebrero >>
Li Lu Ma Mi Hu Bi Sa
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
2026

Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoryano at ng Juliyano. Mayroong 28 araw ang buwan sa karaniwang taon at 29 sa bisyestong taon, na ang ika-29 na araw ay tinatawag na bisyestong araw. Ito ang una sa limang buwan na hindi 31 araw (ang ibang apat ay Abril, Hunyo, Setyembre, at Nobyembre) at ang tanging buwan na mas mababa sa 30 araw. Ikatlo at huling buwan ang Pebrero sa tagniyebeng meteorolohiko sa Hilagang Emisperyo. Sa Timog Emisperyo, ikatlo at huling buwan ang Pebrero ng tag-init na meteorolohiko (na Agosto ang katumbas na panahon sa Hilagang Emisperyo).

Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito. Ang salitang Pebrero ay hango sa salitang Kastila na Febrero. Ang buwan ay ipinangalan kay Februus, and diyos ng kadalisayan ng mga sinaunang Romano. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso o Araw ni Valentin.

Kasaysayan

Pebrero, mula sa Très riches heures du Duc de Berry
Pebrero, mula sa Très riches heures du Duc de Berry

Ipinangalan ang buwang Romano na Februarius sa katawagang Latin na februum, na nangangahulugang "puripikasyon", sa pamamagitan ng rituwal ng puripikasyon na Februa na ginaganap tuwing Pebrero 15 (kabilugan ng buwan) sa lumang lunar na kalendaryong Romano. Ang Enero at Pebrero ang huling dalawang buwan na naidagdag sa kalendaryong Romano, yayamang orihinal na tinuring ng mga Romano ang tagniyebe na isang panahon na walang buwan. Dinagdag ang dalawang buwan na ito ni Numa Pompilio noong mga 713 BC. Nanatiling huling buwan ng kalendaryo ang Pebrero hanggang sa panahon ng mga desenbirato (c. 450 BC), nang naging ikalawang buwan ito. May mga panahon na tinanggalan ng araw ang Pebrero sa 23 o 24 araw na lamang ang natitira, at agad na pinasok ang isang 27-araw na buwang interklaro, ang Interkalaris, pagkatapos ng Pebrero upang muling ihanay ang taon sa mga panahon.

Mga huwaran

Mga tsokolate para sa Araw ni San Valentin
Mga tsokolate para sa Araw ni San Valentin

Mayroon lang 28 araw sa mga karaniwang taon, tanging Pebrero lamang ang buwan na dadaan na walang isang kabilugan ng buwan. Gamit ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan para sa pagtukoy sa petsa at oras ng isang kabilugan ng buwan, huling nangyari ito noong 2018 at muling mangyayari sa 2037. Totoo din ito sa isang bagong buwan: muli, kapag gagamitin ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan, huling nangyari ito noong 2014 at mangyayari uli sa 2033.

Mga simbolo

Ang biyoleta
Ang biyoleta
Amethyst crystals
Mga kristal na amatista
2 images

Ang kapanganakang-bulaklak ng Pebrero ay ang biyoleta (Biyola) at ang karaniwang primabera (Primula vulgaris), at ang Iris.

Amatista ang kapanganakang-bato o birthstone nito. Sinisimbolo nito ang kabanalan, kababaang-loob, karunungang espirituwal, at pagkamatapat. Ang mga senyas ng sodyak ay Acuario (hanggang Pebrero 18) at Pissis (Pebrero 19 pataas).

Mga pagdiriwang

Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.

Buong buwan

  • Sa tradisyong Katoliko, ang Pebrero ay buwan ng Puripikasyon ng Pinagpalang Birheng Maria.
  • Buwan ng Amerikanong Puso (Estados Unidos)
  • Buwan ng Kasaysayan ng mga Itim (Estados Unidos, Canada)
  • Pambansang Buwan ng Kalusugang Pangngipin ng mga Bata (Estados Unidos)

Nakapirmi

Mga sanggunian

Read next

In 274 languages

tlаԥсшәаадыгабзэAfrikaansAlemannischалтай тилአማርኛaragonésÆngliscअंगिकाالعربيةܐܪܡܝܐالدارجةمصرىঅসমীয়াasturianuAtikamekwаварKotavaअवधीAymar aruazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBasa BaliBoarischžemaitėškaBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаяBetawiбългарскиभोजपुरीBanjarবাংলাབོད་ཡིགbrezhonegbosanskiBatak MandailingбуряадcatalàChavacano de Zamboanga閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄нохчийнCebuanoChamoruᏣᎳᎩکوردیcorsuqırımtatarcačeštinakaszëbscziчӑвашлаCymraegdanskdagbanliDeutschZazakidolnoserbskiދިވެހިބަސްeʋegbeΕλληνικάemiliàn e rumagnòlEnglishEsperantoespañoleestieuskaraestremeñuفارسیmfantsesuomivõroNa Vosa Vakavitiføroysktfɔ̀ngbèfrançaisarpetanNordfriiskfurlanFryskGaeilgeGagauz贛語kriyòl gwiyannenGàidhliggalegoAvañe'ẽBahasa Hulontalo𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺Ghanaian PidginગુજરાતીwayuunaikiGaelgHausa客家語 / Hak-kâ-ngîHawaiʻiעבריתहिन्दीFiji HindihrvatskihornjoserbsceKreyòl ayisyenmagyarհայերենԱրեւմտահայերէնinterlinguaJaku IbanBahasa IndonesiaInterlingueIgboIlokanoгӀалгӀайIdoíslenskamedžuslovjanskyitalianoᐃᓄᒃᑎᑐᑦ / inuktitut日本語Patoisla .lojban.JawaქართულიQaraqalpaqshaTaqbaylitJjuKabɩyɛTyapKongoKumoringқазақшаភាសាខ្មែរಕನ್ನಡ한국어перем комиکٲشُرRipoarischkurdîкомиkernowekкыргызчаLatinaLadinoLëtzebuergeschлаккулезгиLimburgsLigureLadinlombardlingálaລາວlietuviųlatgaļulatviešuमैथिलीBasa BanyumasanмокшеньMalagasyолык марийMāoriMinangkabauмакедонскиമലയാളംмонголꯃꯤꯇꯩ ꯂꯣꯟमराठीкырык марыBahasa MelayuMaltiMirandésမြန်မာဘာသာэрзяньمازِرونیNāhuatlNapulitanoNedersaksiesPlattdüütschनेपालीनेपाल भाषाNederlandsnorsk nynorsknorskNovialߒߞߏNouormandSesotho sa Leboaoccitanlivvinkarjalaଓଡ଼ିଆиронਪੰਜਾਬੀKapampanganDeitschpolskiPiemontèisپنجابیΠοντιακάپښتوportuguêsRuna SimiromânăarmãneashtitarandíneрусскийрусиньскыйIkinyarwandaसंस्कृतम्саха тылаᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤsardusicilianuScotsسنڌيdavvisámegiellasrpskohrvatski / српскохрватскиတႆးසිංහලSimple EnglishslovenčinaسرائیکیslovenščinaGagana SamoaanarâškielâchiShonaSoomaaligashqipсрпски / srpskiSiSwatiSundasvenskaKiswahiliślůnskiதமிழ்తెలుగుtetunтоҷикӣไทยTürkmençetolışilea faka-TongaTok PisinTürkçeXitsongaтатарча / tatarçachiTumbukaTwiудмуртئۇيغۇرچە / Uyghurcheукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetovepsän kel’Tiếng ViệtWest-VlamsVolapükwalonWinarayWolof吴语хальмгisiXhosaმარგალურიייִדישYorùbáVahcuenghZeêuwsⵜⴰⵎⴰⵣⵉⵖⵜ ⵜⴰⵏⴰⵡⴰⵢⵜ文言閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文isiZulu

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article