factograf
TL

Pampaalsa

Tungkol ito sa pampaalsa ng ginagawang tinapay. Para sa rebolusyon, pumunta sa pag-aalsa.

Ang pampaalsa o lebadura (Ingles: yeast, leaven) ay anumang sustansiya na nakapagpapaasim at nakapagpapaangat sa masang ginagamit bago iluto o ihurno ang tinapay. Gawa ito mula sa harinang yari sa trigo o (ang wheat sa Ingles) o kaya gawa mula sa sebada (kilala bilang barley sa Ingles). Ginagamit din ito sa paggawa ng serbesa. Tinatawag din itong galapong, lihiya, o linab. Sa mga kasulatang tulad ng Tanakh at ng Bibliya, ginagamit ang pampaalsa bilang sagisag ng isang bagay na nakakaimpluwensiya, kalimitan bilang tanda ng kasamaan.

Mga sanggunian

PaglulutoPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagluluto at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Read next

In 36 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article