Ang Nukus (Uzbek: Nukus, Нукус; Karakalpak: Nókis, Нөкис; Kazakh: Núkis; Ruso: Нукус) ay ang panlimang pinakamalaking lungsod ng Uzbekistan at kabisera ng nagsasariling Republika ng Karakalpakstan. Ang tinatayang populasyon ng Nukus magmula noong ika-1 ng Enero, 2018 ay 312,100 katao. Dumadaloy sa kanluran ng lungsod ang Ilog Amu Darya
Pinakakilala ang Nukus bilang tahanan ng nangungunang Museo ng Sining ng Nukus.
Kasaysayan
Ang pangalang Nukus ay mula sa lumang pangalang angkan ng mga Uzbek, ang Nukus. Mula sa isang maliit na nayon noong 1932, sumibol ang Nukus sa isang makabagong Sobyet na lungsod pagsapit ng dekada-1950, na may malawak na mga abenida at malaking mga gusaling pampubliko.
Ang ganap na pagbubuklod ng Nukus ang naging salik upang maging kinaroroonan ng Chemical Research Institute ng Pulang Hukbo, isang pangunahing pasilidad ng pananaliksik at pagsusubok ng mga sandatang kimikal. Noong 2002, binaklas ng Kagawaran ng Tanggulan ng Estados Unidos ang sityo ng pasilidad na naging lugar ng pananaliksik ng ahenteng Novichok, sa ilalim ng $6 milyon na palatuntunang Cooperative Threat Reduction.
Klima
Nakararanas ang Nukus ng malamig na klimang disyerto (Köppen BWk), na may mga mahahaba, tuyo at napakainit na mga tag-init at maigsi pero malamig at maniyebe na mga tag-lamig. Mayroon itong napakatuyong anyo ng klimang kontinental.
| Datos ng klima para sa Nukus (1981-2010) | |||||||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
| Katamtamang taas °S (°P) | 0.7 (33.3) |
4.0 (39.2) |
11.7 (53.1) |
21.7 (71.1) |
28.7 (83.7) |
34.5 (94.1) |
36.2 (97.2) |
34.3 (93.7) |
27.9 (82.2) |
19.4 (66.9) |
10.0 (50) |
3.1 (37.6) |
19.35 (66.84) |
| Katamtamang baba °S (°P) | −7.5 (18.5) |
−6.0 (21.2) |
−0.1 (31.8) |
8.2 (46.8) |
14.2 (57.6) |
19.1 (66.4) |
21.3 (70.3) |
18.9 (66) |
12.0 (53.6) |
4.9 (40.8) |
−0.8 (30.6) |
−5.5 (22.1) |
6.56 (43.81) |
| Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 10.9 (0.429) |
7.9 (0.311) |
17.7 (0.697) |
15.3 (0.602) |
12.6 (0.496) |
4.0 (0.157) |
1.4 (0.055) |
1.7 (0.067) |
2.6 (0.102) |
7.5 (0.295) |
10.8 (0.425) |
12.1 (0.476) |
104.5 (4.112) |
| Araw ng katamtamang presipitasyon | 6.2 | 4.5 | 5.3 | 5.1 | 3.8 | 1.9 | 0.9 | 0.8 | 1.5 | 3.4 | 4.3 | 6.1 | 43.8 |
| Sanggunian: Hydrometeorological Service | |||||||||||||
