factograf
TL

Neptuno

Neptuno

Ang Neptuno (Ingles: Neptune, bigkas:; sagisag: ) ay ang ika-8 planeta mula sa Araw sa Sistemang Solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng karagatan. Ito ay ang ika-4 sa pinakamalaking planeta ayon sa diametro at ikatlo naman ayon sa masa. Ang Neptuno ay mas mabigat ng 17 beses kaysa sa mundo at mas mabigat ng kaunti sa halos kakambal nitong planeta ng Urano na katumbas ng 15 na Daigdig at hindi ganoon ka dense. Ang orbit ng Neptuno ay kalimitang nasa distansiya na 30.1 AU mula sa Araw, mga halos 30 beses ng layo ng Daigdid sa Araw. Ang astronomikal na simbolo nito ay ang , isang bersyon ng trident ng diyos na si Neptuno.

Nadiskubre ito noong 23 Setyembre 1846, ang Neptuno ay ang tanging planeta na nahanap gamit ang prediksiyong matematikal kaysa empirikal na obserbasyon. Ang mga hindi inaasahang pagbabago sa orbit ng Urano ang tumulong sa mga astronomer na malaman na naapektuhan ito ng perturbasyong grabitasyonal ng isang di kilalang planeta. Ang Neptuno ay nahanap sa loob ng isang degree ng inaasahan nitong posisyon, at ang pinakamalaki nitong buwan, ang Triton, ay natuklasan pagtapos. Sulbalit hindi kaagad natuklasan ang 12 pang mga buwan sa pamamagitan ng teleskopiya hanggang sa ika-20 na siglo. Isang sasakyang pangkalawakan pa lamang ang nakabisita sa Neptuno, ang Voyager 2, na lumipadng malapit sa planeta noong 25 Agosto 1989.

Ang equatoriyal na radius ng Neptuno na 24,764 kilometro (15,388 mi) ay halos apat na beses na mas malaki kaysa nung sa Daigdig. Ang Neptuno at Urano ay kinokonsidera na sub-klase ng mga higanteng gas na tinatawag na "higanteng yelo", dahil sa kanilang mas maliit na laki at mas maraming konsentrasyon ng mga bolatilo kung ikukumpara sa Hupiter at Saturno. Sa kanilang paghahanap ng mga ekstrasolar na planeta, ang Neptuno ay ginagamit na metonym: ang mga bagay na kasing bigat nito ay tinatawag na "Neptunes", gaya ng pagtawag sa ibang ekstra-solar na bagay na "Jupiters".

Mga sanggunian

ang neptuno ay nadiskubre nina John Couch Adams at Urbain Le Verrier

Read next

In 235 languages

tlаԥсшәаAfrikaansAlemannischአማርኛaragonésÆngliscअंगिकाالعربيةالدارجةمصرىঅসমীয়াasturianuअवधीazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBasa BaliBoarischžemaitėškaBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаяBetawiбългарскиभोजपुरीবাংলাབོད་ཡིགbrezhonegbosanskiBatak Mandailingбуряадcatalà閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄нохчийнCebuanoᏣᎳᎩکوردیcorsuqırımtatarcačeštinakaszëbscziсловѣньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟчӑвашлаCymraegdanskDeutschZazakiडोटेलीཇོང་ཁΕλληνικάemiliàn e rumagnòlEnglishEsperantoespañoleestieuskaraestremeñuفارسیsuomivõroNa Vosa VakavitiføroysktfrançaisarpetanNordfriiskfurlanFryskGaeilge贛語kriyòl gwiyannenGàidhliggalegoگیلکیAvañe'ẽગુજરાતીgungbeGaelgHausa客家語 / Hak-kâ-ngîHawaiʻiעבריתहिन्दीFiji HindihrvatskiKreyòl ayisyenmagyarհայերենinterlinguaBahasa IndonesiaInterlingueIlokanoIdoíslenskaitaliano日本語Patoisla .lojban.JawaქართულიQaraqalpaqshaKabɩyɛTyapKongoқазақшаភាសាខ្មែរಕನ್ನಡYerwa Kanuri한국어کٲشُرRipoarischkurdîкомиkernowekкыргызчаLatinaLëtzebuergeschлезгиLingua Franca NovaLimburgsLigureLadinlombardlingálaລາວlietuviųlatviešuMadhurâBasa BanyumasanмокшеньMalagasyMinangkabauмакедонскиമലയാളംмонголꯃꯤꯇꯩ ꯂꯣꯟमराठीBahasa MelayuMaltiMirandésမြန်မာဘာသာمازِرونیNāhuatlNapulitanoNedersaksiesPlattdüütschनेपालीनेपाल भाषाNederlandsnorsk nynorsknorskNovialߒߞߏDiné bizaadoccitanlivvinkarjalaOromooଓଡ଼ିଆиронਪੰਜਾਬੀKapampanganPapiamentuNaijápolskiPiemontèisپنجابیپښتوportuguêsRuna Simirumantschromani čhibromânăarmãneashtiрусскийрусиньскыйसंस्कृतम्саха тылаᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤsardusicilianuScotsسنڌيdavvisámegiellasrpskohrvatski / српскохрватскиTaclḥitසිංහලSimple EnglishslovenčinaslovenščinaanarâškielâSoomaaligashqipсрпски / srpskiSeelterskSundasvenskaKiswahiliślůnskiதமிழ்తెలుగుтоҷикӣไทยTürkmençetolışitoki ponaTürkçeтатарча / tatarçachiTumbukaтыва дылудмуртئۇيغۇرچە / Uyghurcheукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetovepsän kel’Tiếng ViệtWest-VlamsVolapükwalonWinarayWolof吴语isiXhosaმარგალურიייִדישYorùbáVahcuenghZeêuwsⵜⴰⵎⴰⵣⵉⵖⵜ ⵜⴰⵏⴰⵡⴰⵢⵜ文言閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文isiZulu

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article