Ang Morgongiori (Sardo: Mragaxòri) ay isang comune sa Lalawigan ng Oristano, awtonomong rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga 70 kilometro (43 mi) hilagang-kanluran ng Cagliari at mga 25 kilometro (16 mi) timog-silangan ng Oristano sa timog na dalisdis ng Monte Arci.
Ang Morgongiori ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Ales, Curcuris, Marrubiu, Masullas, Pompu, Santa Giusta, Siris, at Uras.
Kasaysayan
Ang maraming mga pook arkeolohiko sa lugar at ang mga talyer para sa pagkuha at pagproseso ng obsidiyano ay nagpapatunay sa pagkakaroon ng tao sa lugar mula noong sinaunang panahon. Ang lugar ay tinitirhan din noong panahong Nurahiko dahil sa pagkakaroon ng ilang nuraghe sa lugar.
Mga simbolo
Ang eskudo de armas at ang watawat ng munisipalidad ng Morgongiori ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng atas ng Pangulo ng Republika noong Enero 7, 2010.
