factograf
TL

estado sa US

Montana

Montana

Key facts

populasyon1,084,225
labuwad381,154km²
ay halimbawa ngEstado ng Estados Unidos
bansaEstados Unidos ng Amerika
kabiseraHelena
araw ng pagtatagNobyembre 8, 1889
puno ng pamahalaanGreg Gianforte
kontinenteHilagang Amerika
nasa pampangasiwaang teritoryoEstados Unidos ng Amerika
opisyal na wikaIngles
All data from the card 14
Bansa
Estados Unidos ng Amerika
Lokasyon
Estados Unidos ng Amerika
Itinatag
8 Nobyembre 1889
Ipinangalan kay (sa)
bundok
Kabisera
Helena
• Konseho
Montana Legislature
• Governor of Montana
Greg Gianforte
• Kabuuan
381,154 km2 (147,164 milya kuwadrado)
• Kabuuan
1,084,225
• Kapal
2.8/km2 (7.4/milya kuwadrado)
Sona ng oras
UTC−07:00, America/Denver
Kodigo ng ISO 3166
US-MT
Wika
Ingles
Websayt
https://www.mt.gov/

Ang Montana () ay isang estado sa rehiyong Bundok ng Kanluraning Estados Unidos. Nasa hangganan ito ng Idaho sa kanluran, Hilagang Dakota at Timog Dakota sa silangan, Wyoming sa timog, at mga lalawigan ng Canada na Alberta, Columbiang Britaniko, at Saskatchewan sa hilaga. Ito ang ikaapat na pinakamalaking estado ayon sa laki, ang ikawalong pinakamaliit na populasyon na estado, at ang ikatlong pinamaliit ang densidad ng populasyon na estado. Kabisera nito ang Helena, habang ang Billings ang pinakamataong lungsod. Naglalaman ang kanlurang kalahati ng estado ng maraming bulubundukin, habang ang silangang kalahati ay nakikilala sa kanlurang lupain na may madamong kapatagan at matabang lupa, na may maliliit na bulubundukin na matatagpuan sa buong estado.

Walang tatag na palayaw ang Montana subalit may ilang hindi tatag na pangalan, pinakakilala ang "Big Sky Country" (Malaking Lupang Langit), "The Treasure State" (Ang Estadong Kayamanan), "Land of the Shining Mountains" (Lupain ng Nagniningning na Bundok), at "The Last Best Place" (Ang Huling Pinakamainam na Lugar). Pangunahing agrikultura ang ekonomiya ng Montana, kabilang ang pagrarantso, at pagsasaka ng angkak. Kabilang sa ibang mahalagang mapagkukunang yamang ekonomiko ang langis, gas, uling, pagmiminina at troso. Mahalaga din sa ekonomiya ng estado ang mga sektor ng pangangalaga ng kalusugan, paglilingkod, at pamahalaan. Turismo ang pinakamabilis na lumagong sektor ng Montana, na may 12.6 milyong turista (ayon noong 2019) ang dumalaw sa estado bawat taon.

Kasaysayan ng kataga

Nagmula ang pangalang Montana mula salitang Kastila na montaña, na nagmula naman sa salitang Latin na montanea, na nangangahulugang "bundok" o mas malawak bilang "lupaing mabundok". Montaña del Norte ('Hilagang Bundok') ang binagay ng pangalan ng mga naunang manggagalugad na Kastila sa buong rehiyong mabundok ng kanluran. Naidagdag ang pangalang Montana noong 1863 sa isang panukalang batas ng Komite ng mga Teritoryo ng Kamara ng Estados Unidos (na si James Ashley ng Ohio ang tagapangulo) para sa nasasakupan na magiging Teritoryong Idaho.

Napalitan ang pangalan ng mga kinatawan na sina Henry Wilson (Massachusetts) at Benjamin F. Harding (Oregon), na naghabla na "walang kahulugan" ang Montana. Nang inihain ni Ashley ang isang panukalang batas upang itatag ang pansamantalang pamahalaan noong 1864 para sa isang bagong nasasakupan na iuukit mula sa Idaho, pinili niya muli ang Teritoryong Montana. Sa pagkakataong ito, tinutulan ang pangalan ni kinatawan Samuel Cox na taga-Ohio din. Nagreklamo si Cox na ang pangalan ay isang maling tawag dahil hindi naman mabundok ang karamihan ng nasasakupan, at inisip na mas angkop ang pangalang Katutubong Amerikano sa halip na Kastila. May ibang pangalan, tulad ng Shoshone, ang minungkahi, subalit nagpasya ang Komite ng mga Teritoryo na mayroon silang diskresyon sa pagpili ng pangalan, kaya, pinagtibay ang tunay na pangalang Montana.

Read next

In 193 languages

tlAfrikaansአማርኛaragonésÆngliscالعربيةܐܪܡܝܐالدارجةمصرىasturianuAymar aruazərbaycancaتۆرکجهBasa BaliBoarischžemaitėškaBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаябългарскиभोजपुरीBislamaবাংলাབོད་ཡིགবিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরীbrezhonegbosanskiбуряадcatalàChavacano de Zamboanga閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄нохчийнCebuanoTsetsêhestâheseکوردیcorsuqırımtatarcačeštinaчӑвашлаCymraegdanskdagbanliDeutschZazakieʋegbeΕλληνικάemiliàn e rumagnòlEnglishEsperantoespañoleestieuskaraفارسیsuomiføroysktfrançaisarpetanNordfriiskFryskGaeilgeGagauzGàidhliggalegoAvañe'ẽ𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺GaelgHausa客家語 / Hak-kâ-ngîHawaiʻiעבריתहिन्दीFiji HindihrvatskiKreyòl ayisyenmagyarհայերենinterlinguaBahasa IndonesiaInterlingueIgboIñupiatunIlokanoIdoíslenskaitaliano日本語JawaქართულიKabɩyɛKumoringқазақша한국어къарачай-малкъарکٲشُرkurdîkernowekкыргызчаLatinaLadinoLëtzebuergeschLingua Franca NovaLimburgsLigureLadinlombardlietuviųlatviešuमैथिलीMalagasyолык марийMāoriмакедонскиമലയാളംмонголꯃꯤꯇꯩ ꯂꯣꯟमराठीкырык марыBahasa Melayuမြန်မာဘာသာمازِرونیNedersaksiesPlattdüütschनेपालीनेपाल भाषाNederlandsnorsk nynorsknorskDiné bizaadoccitanиронਪੰਜਾਬੀKapampanganPapiamentuPicardDeitschपालिpolskiPiemontèisپنجابیپښتوportuguêsRuna Simirumantschromânăрусскийसंस्कृतम्саха тылаᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤsardusicilianuScotsسنڌيdavvisámegiellasrpskohrvatski / српскохрватскиසිංහලSimple Englishslovenčinaslovenščinaanarâškielâshqipсрпски / srpskiSeeltersksvenskaKiswahiliślůnskiதமிழ்тоҷикӣไทยtolışitoki ponaTürkçeтатарча / tatarçachiTumbukaئۇيغۇرچە / Uyghurcheукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetoTiếng ViệtWest-VlamsVolapükWinaray吴语isiXhosaმარგალურიייִדישYorùbáVahcuenghZeêuws文言閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article