Ang Managua (pagbigkas sa wikang Kastila: ) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Nicaragua, at sentro ng isang departamentong may parehong pangalan din. Matatagpuan sa timog-kanlurang baybayin ng Lawa ng Managua at sa loob ng Departamento ng Managua, tinatayang nasa 1,042,641 ang populasyon nito noong 2016 sa loob ng administratibong hangganan ng lungsod at isang populasyon na 1,401,687 sa kalakhang lugar nito, na karagdagang kabilang ang Ciudad Sandino, El Crucero, Nindirí, Ticuantepe at Tipitapa.
Dinideklera ang lungsod bilang pambansang kabisera noong 1852. Noong nakaraan, nagpapalit-palit ang kabisera sa pagitan ng mga lungsod ng León at Granada.
Etimolohiya
May dalawang posibleng pinagmulan ng pangalang "Managua". Maaring nagmula ito sa katawagang Mana-ahuac, na sa katutubong wikang Nahuatl ay sinasalin bilang "katabi sa tubig" o ang lugar na "pinapaligiran ng tubig." O, maari itong nagmula sa wikang Mangue, kung saan ang salitang managua ay sinasabing nangangahulugang "lugar ng malaking tao" o "pinuno." Tinatawag ang mga residente ng lungsod bilang managuas, managüenses, o capitalinos.
