factograf
TL
Sign in

Lierna

Lierna
All data from the card 17
Bansa
Italya
Rehiyon
Lombardia
Lalawigan
Lecco (LC)
Mga frazione
BancolaCasateCastelloCisarinoGenicoGiussanaGrumoLa FoppaMugiascoOlcianicoSornicoVilla
• Mayor
Silvano Stefanoni
• Kabuuan
11.24 km2 (4.34 milya kuwadrado)
Taas
202 m (663 tal)
• Kabuuan
2,122
• Kapal
190/km2 (490/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugar
Liernesi
Sona ng oras
UTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
22050
Kodigo sa pagpihit
0341
Santong Patron
San Ambrosio
Saint day
Disyembre 7
Websayt
Opisyal na website

Ang Lierna ay isang comune sa Lalawigan ng Lecco, rehiyon ng Lombardia, hilagang-kanlurang Italya. Kasama ang Menaggio, Tremezzo, Varenna, at Bellagio, ito ay bahagi ng Gitnang Lawa ng Como na lugar. Ito ay nasa silangang baybayin ng Lawa ng Como, mga 60 kilometro (37 mi) sa hilaga ng Milan at mga 15 kilometro (9 mi) hilagang-kanluran ng Lecco.

May hangganan ang Lierna sa mga comune ng Esino Lario, Mandello del Lario, Oliveto Lario, at Varenna.

Kasaysayan

Tanaw ng Lierna.
Tanaw ng Lierna.

Ang unang pagbanggit sa Lierna ay nagsimula noong 854 AD, ngunit ang mga Romanong labi, kabilang ang isang mosaic na palapag na ngayon sa Palazzo Belgioioso ng Lecco, ay nagpapatunay sa mas naunang paninirahan. Ang pangalan ng nayon ay maaaring Romano o Seltang pinagmulan. Sa pagitan ng 1035 at 1202 ito ay isang piyudo ng Monasteryo ng San Dionigi sa Milan. Ang Lierna ay pinagtatalunan sa pagitan ng Milan at Como, at sa pagitan ng mga pamilyang Della Torre at Visconti. Naipasa ito sa mga kamay ng Marchesino Stanga noong 1499, at noong 1533 sa pamilya Sfondrati ng Cremona, na humawak nito hanggang 1788. Ang Lierna ay naging isang comune noong 1743, nang inihiwalay ito sa Mandello.

Noong 1927 ang Milanes na eskultor na si Giannino Castiglioni ay nagbukas ng isang studio sa kaniyang bahay sa Lierna. Namatay siya sa Lierna noong Agosto 27, 1971. Nag-iwan siya ng ilang preparatory hulmang plaster sa comune; ang isang museo na paglagyan ng mga ito ay nasa ilalim ng pagtatayo.

In 55 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article