Ang kita ay ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o “katawan” sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon, na pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang pampananalapi. Ngunit, para sa mga indibiduwal, ang kita ay ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad na tubo o nabayarang patubo, mga bayad sa paarkila (katulad ng renta o bayad sa paupahang bahay o apartamento), at iba pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang panahon. Para sa mga kompanya, ang kita ay pangkalahatang tumutukoy sa netong kinita: ang natitira pa sa perang pumapasok sa negosyo o kitambayan kung ukol sa pamahalaan pagkaraang mabawas na ang mga gastusin o ginastos. Sa larangan ng ekonimiyang pampubliko, maaari itong tumukoy sa akumulasyon o pagkaipon ng kapwa kakayahang makakonsumo o makatanggap ng kabayarang salapi o hindi salapi, kung saan ang hindi salaping kabayaran ay ginagamit bilang panghalili para sa kabuuang kita.
Tingnan din
- Sahod
- Tubo (pagtutuos)
- Patubo
- Pakinabang
- Neto
- Manggagawang walang bayad
Kawing panlabas
- D. Usher (1987). "real income," The New Palgrave: A Dictionary of Economics, v. 4, pp. 104–05