Ang reyndir o reno (Ingles: reindeer, Kastila: reno, caribú; pangalan sa agham: Rangifer tarandus), kilala rin bilang karibu (Ingles: caribou) kapag namumuhay sa kalikasan sa Hilagang Amerika, ay isang usa ng Artiko at Sub-artiko (malalamig na mga bansa), na malawakan ang nasasakupan at marami sa kahabaan ng hilagang Holarktiko. Bagaman ito lang ang kaisa-isang uri ng saring Rangifer, mayroon itong apat na sub-uri o kabahaging uri ng mga reno o reyndir (karamihang galing sa Eurasya) at limang mga karibu (nanggaling sa Amerika).
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
