Ang imahen (ikono o aykon) ay isang larawang relihiyoso, karaniwan ay pininta, na sumibol mula sa Silanganing Ortodoksiya at Katolisismo.
Ang pag-aari, paggamit at/o pagsamba sa mga imahen ay mahigpit na ipinagbabawal sa ibang mga pananampalataya, tulad ng Protestantismo at Islam.
Kaugnayan sa Wikang Kastila
Iba ang bigkas ng wikang Pilipino sa "imahen" (i-ma-HEN) kaysa sa pinagmulang salita nito sa wikang Kastila na imagen (bigkas: i-MA-hen), na nangangahulugang "larawan." Gayumpaman, ang katagang ginagamit sa Kastila para sa (relihiyosong) imahen, at pati na rin sa mga tao o bagay na hinahangaan, ay icono (bigkas: i-KO-no o I-ko-no), kahalintulad ng paggamit ng salitang icon sa Ingles.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
