factograf
TL
Sign in

Amerikanong komedya serye sa telebisyon

ICarly

ICarly
All data from the card 16
Uri
Sitcom/Sitcom pambinata/pangdalaga
Gumawa
Dan Schneider
Pinangungunahan ni/nina
Miranda CosgroveJennette McCurdyNathan KressJerry TrainorNoah Munck (panahon 1-3 recurring; panahon 4-7 main)
Kompositor ng tema
Michael Corcoran
Bansang pinagmulan
Estados Unidos
Wika
Ingles
Bilang ng season
7
Bilang ng kabanata
109 (Tala ng mga kabanata ng iCarly)
Prodyuser tagapagpaganap
Dan Schneider
Prodyuser
Robin Weiner(supervising producer;co-executive producer panahon 5–7)Joe CataniaBruce Rand Berman(panahon 2–7)Jake Farrow(panahon 5–7)Matt Fleckenstein(panahon 5–7)Arthur Gradstein(panahon 5–7)
Lokasyon
Seattle, Washington (tagpuan)Nickelodeon on SunsetHollywood, California (lugar ng pinagkuhanan)KTLA StudiosHollywood, California (2012)
Ayos ng kamera
Videotape (filmized); Multi-camera
Oras ng pagpapalabas
23 mga minuto
Kompanya
Schneider's BakeryProduksiyong Nickelodeon
Distributor
Nickelodeon
Release
8 Setyembre 2007 –23 Nobyembre 2012

Ang iCarly ay isang Amerikanong sitcom na nagtutuon ng pansin sa babaeng na nagngangalang Carly Shay na gumawa ng kaniyang sariling webshow na nagngangalang iCarly kasama ng kanyang mga matatalik na kaibigan na sina Sam at Freddie. Ang mga pangunahing artista ng palabas ay sina Miranda Cosgrove bilang Carly, Jennette McCurdy bilang Sam, Nathan Kress bilang Freddie at Jerry Trainor bilang Spencer at ginawa nito ni Dan Schneider, na ang nagsisilbi ring ehekutibong produsyer ng palabas. Ang palabas ay kinukuhanan sa Nickelodeon on Sunset sa Hollywood.

Ang palabas ay unang ipinalabas sa Nickelodeon noong 8 Setyembre 2007 at naunang inuri bilang TV-Y7 at naging TV-G sa Estados Unidos. Magkakaroon na ito ng ika-apat na season na nakahanda nang simulan ang produksiyon sa loob ng ilang susunod na linggo o matapos at maglalaman ng 26 na kabanata matapos mag-ink si Miranda Cosgrove ng isang pakikitungong seven-figure.

Ang iCarly ay ipinalalabas sa ilang mga bansa tulad ng Nagkakaisang Kaharian at Pilipinas (Nickelodeon UK, Pasko ng Pagkabuhay 2008).

Banghay

Si Carly ay nagtatalakay ng kanyang web show sa kanilang bahay, na nagngangalang iCarly. Siya ay nakikitira sa kanyang kuya/tagabantay na si Spencer. Sa pakikipagsapalaran sa dalaga, hindi niya inasam na makakuha ng katanyagan bilang isang nag-uumpisang artista/artista para sa mga kabataan. Habang ang mga pangyayari ay nagaganap sa banghay, ang lahat ay nangyari nang ang kanyang guro na si Binibining Briggs ay ipinatalaga siya sa isang talent show. Siya, kasama ng kaniyang reklamadorang matalik na kaibigan na si Sam nang ginawa nilang isang palabas ang talent show na ang maalam sa teknolohiyang kaibigan ni Carly na si Freddie ay kinuhanan ang palabas kasama ng paggawa nila Carly at Sam sa palabas, at inilagay sa Web ang kaniyang kuha na hindi sinasabi kina Carly at Sam. Ang mga taganood sa internet ay humihingi pa at ang isang pangyayaring kilala ay nagsimula na kasama sila Carly at Sam sa palagiang webcast na ipinakikita ang lahat mula sa mga pakikipanayam, mga pamamaraan ng pagluluto at pagtalakay sa mga suliranin ngunit mas nakatuon sa komediya o pagpapatawa.

Read next

In 59 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article