factograf
TL
Sign in

Hilaga

Hilaga
Isang kompas na may puntong hilaga na nakaturo sa taas.
Isang kompas na may puntong hilaga na nakaturo sa taas.

Ang hilaga (Kastila: norte, Ingles: north, Sebwano: amihanan, Iloko: amianan, Kapampangan: pangulu/amianan, Gitnang Bikol: amihanan, Hiligaynon: aminhan) ay isa sa mga direksiyong kardinal o mga punto ng aguhon. Kabaligtaran ng timog ang hilaga, at patayo ito sa parehong kanluran at silangan. Ang hilaga ay isang pangngalan, pang-uri, o pang-abay na tumutukoy sa direksiyon o heograpiya.

Tinutukoy rin nito ang direksiyon sa kanan ng isang tao na nakaharap sa lubugan ng araw. Malimit na dinadaglat ang north bilang N sa wikang Ingles.

Nagmula ang salitang Latin na borealis sa salitang Griyego na boreas ("hilagang hangin") na binigyang-katauhan bilang Boreas, ang diyos ng hilagang hangin at ama nina Calais at Zetes, ayon kay Ovid. Nagmula naman ang salitang septentrionalis sa septentriones o ang "pitong araro na kapong baka", na isang pangalan ng Ursa Mayor. Ipinangalan ang salitang Griyego na arktikós (ἀρκτικός) sa parehong konstelasyon, at nagmula rito ang salitang "Artiko".

Pagmamapa at nabegasyon

Hilaga ang itaas na panig ng isang mapa, batay sa kinaugaliang pamantayan.

Upang makapunta sa hilaga gamit ang aguhon para sa nabegasyon, kinakailangan ng isang indibidwal na itakda sa 0° o 360° ang sanggunian (bearing) o azimuth. Ang paglalakbay nang tuwid sa hilaga ay pagtatahak ng isang linyang meridyano pataas.

Kinikilalang pangunahing direksiyon ang hilaga sa kalinangang Kanluranin:

  • Ginagamit ang hilaga upang matukoy ang ibang mga direksiyon, tahasan man o hindi.
  • Kadalasang tumutugma sa hilagang dulo ng ipinakikitang lugar ang (biswal na) mga gilid sa itaas ng mga mapa, maliban kung tahasang nakasaad ang kataliwasan o itinuturing na mas kapaki-pakinabang ang mga palatandaang pook para sa lupaing iyon kaysa mga tiyak na direksiyon.
  • Sa konteksto ng alinmang mga bagay sa kalawakan, malimit na tumutukoy ang "hilaga" sa panig na tila umiikot nang pakaliwa kapag tiningnan mula sa kalayuan sa kahabaan ng aksis ng pag-ikot. Ngunit binibigyang-kahulugan ng Pandaigdigang Unyong Astronomiko (IAU) ang heograpikong hilagang polo ng isang planeta o mga buwan nito sa Sistemang Solar bilang planetaryong polo na nasa parehong emisperyong selestiyal na may kaugnayan sa hindi nagbabagong plano ng Sistemang Solar, bilang hilagang polo ng Daigdig. Nangangahulugan itong umiikot ang ilang bagay sa retrograde na kilos, tulad ng Urano: kung tanaw mula sa IAU north, pihit pakanan ang pag-ikot nito.

Magnetikong hilaga at deklinasyon

Halimbawa ng magnetikong deklinasyon. Ang heograpiko o tunay na hilaga ay kinakatawan ng Ng, ang magnetikong hilaga ay kinakatawan ng Nm, at ang magnetikong deklinasyon ay kinakatawan ng δ.
Halimbawa ng magnetikong deklinasyon. Ang heograpiko o tunay na hilaga ay kinakatawan ng Ng, ang magnetikong hilaga ay kinakatawan ng Nm, at ang magnetikong deklinasyon ay kinakatawan ng δ.

Kawili-wiki ang hilagang magnetikong polo dahil ito ang tinuturong direksiyon na hilaga sa isang gumaganang magnetikong aguhon, maski na hindi pa ito inihanda. Tinatawag na magnetikong deklinasyon ang diperensiya sa pagitan nito at ng tunay na hilaga. Sa maraming mga layunin at pangyayari, katanggap-tanggap naman ang pagkakamali sa direksiyon na bunga ng pagbabalewala ng pagkakaiba ng dalawa. Para naman sa iba, maaaring malutas ang suliranin na ito sa pamamagitan ng kasangkapan o diskarte ng pag-iisip ng isang indibidwal batay sa ipinapalagay na kaalaman sa naaayong deklinasyon. Ngunit hindi makatwiran ang dapat na ituring sa payak na panlalahat ng paksa, at malamang na sumasalamin ito sa popular na mga maling akala ukol sa magnetismo sa Daigdig.

Malinaw na nakasaad ang pampook na deklinasyon, para sa madaling pagwawasto ng aguhon sa tunay na hilaga, ang mga mapang inilaan para sa paggamit sa orienteering gamit ang aguhon. Maaari ding nakasaad sa mga mapa ang parilyang hilaga (grid north), isang katawagan sa nabegasyon na tumutukoy sa pahilagang direksiyon sa kahabaan ng mga linyang parilya ng isang proyeksiyon ng mapa.

Papel ng hilaga bilang pangunahing direksiyon

Nagbibigay ng malinaw na pagwawangis sa "itaas" na direksiyon ang nakikitang pag-ikot ng kalangitan sa gabi sa paligid ng nakikitang polong selestiyal. Dahil dito, hindi arbitraryo – kahit man lang sa mga astronomo – ang pagpili ng hilaga bilang katumbas ng "taas" sa Hilagang Emisperyo, o ang timog bilang katumbas ng "baba" sa Timog Emisperyo, bago pa ang pandaigdigang pakikipagtalastasan. (Tandaan: walang litaw na katumbas ng Hilagang Bituin sa Timog Emisperyo.) Sa kabilang banda, kinilala sa mga kalinangang Tsino at Islamiko ang timog bilang naaangkop na dulo sa "taas" para sa mga mapa. Sa mga kultura ng Polynesia na may pagpapahalaga sa nabegasyon, tinutukoy naman ng mga hangin ang mga direksiyong kardinal, nangingibabaw man iyong pampook o pangninuno.

Sa kalinangang Kanluranin:

  • Madalas na ginuguhit ang mga mapa na nasa itaas ang alinman sa dalawa: tunay na hilaga o magnetikong hilaga.
  • Nasa itaas ang Hilagang Polo sa mga globo ng Daigdig, o nasa itaas na hati kung nakalihis sa patayong puwesto ang kinakatawan ng aksis ng planeta sa globo (karaniwan sa taglay nitong anggulo na kaugnay sa aksis ng pag-ikot ng Daigdig).
  • Karaniwang tinatatakan ang mga mapa upang itukoy kung anong katumbas sa isang direksiyon ng Daigdig ang direksiyon sa mapa,
    • kadalasan ng isang arrow na nakaturo sa kinatawan ng tunay na hilaga sa mapa,
    • paminsan-minsan ng isang arrow na nakaturo sa kinatawan ng magnetikong hilaga sa mapa, o dalawang mga arrow na nakaturo sa parehong tunay at magnetikong hilaga,
    • paminsan-minsan ng isang rosas ng aguhon, at kung gayon, kalimitang sa mapang nasa taas ang hilaga at mas litaw na itinatampok ang hilaga kaysa ibang punto ng aguhon.
  • Pagwawangis sa hilaga ang "taas" (up). Sinimulan ng astronomong Griyegong si Ptolomeo ang kaisipan na dapat palaging "nasa taas" ang hilaga at nasa kanan ang silangan. Ipinapalagay ng historyador na si Daniel Boorstin na ganoon ang pagtrato sa hilaga dahil nasa Hilagang Emisperyo ang tanyag na mga lugar sa mundo at mas madaling pag-aralan ang mga lugar na ito kung nasa kanang bahaging itaas ng patag na mapa ang mga ito.

Kadalasang iniuugnay ang hilaga sa malalamig na mga klima dahil nasa Hilagang Emisperyo ang karamihan sa matataong mga lupain sa mundo. Dumaraan ang Bilog ng Artiko sa Karagatang Artiko, Noruwega, Sweden, Pinlandiya, Rusya, estado ng Alaska sa Estados Unidos, mga tatlong teritoryo sa Kanada (Yukon, Northwest Territories at Nunavut), Greenland ng Dinamarka at Iceland.

Mga papel ng kanluran at silangan bilang kalakip na mga suplementong direksiyon

Bagama't sumasalamin sa mga arbitraryong salik ng nakaraan ang pagpili ng hilaga bilang pangunahing direksiyon sa halip ng timog, hindi kasinlikas na pagpipilian ang kanluran at silangan tulad sa unang tingin. Ang karaniwang mga kahulugan ng mga ito ay, "kung saan lumulubog ang araw" para sa kanluran at "kung saan sumisikat ang araw" para sa silangan. Gayunpaman, maliban sa ekwador, kung pagsasama-samahin ang mga kahulugang ito, ipinahihiwatig na:

  • hindi magiging 180° ang pagitan ng kanluran at silangan, at sa halip ay magkakaiba sa 180° nang doble sa degree ng latitud ng pinag-uusapang lokasyon, at
  • bahagyang magbabago ang kanluran at silangan araw-araw, at kapansin-pansin ang pagbabagong ito sa paglipas ng taon sa mga sonang templada.

Gamit ang tumpak na astronomiyang-bayan (folk astronomy), nararating ng mga tao noong Panahong Bato o ng mga Selta ang silangan at kanluran sa pamamagitan ng pagtatala ng mga direksiyon ng pagsikat at paglubog (mas mainam higit sa isang beses na pagtala ng pagsikat at paglubog) at pagpili ng isa sa dalawang magkasalungat na direksiyong nasa kalagitnaan ng pagitan ng dalawa bilang pangunahing direksiyon. Batay sa tunay na kahulugan sa astronomiyang-bayan, ang kanluran at silangan ay "ang mga direksiyon na pinakamalapit sa paglubog at pagsikat, ayon sa pagkakabanggit, ng araw (o buwan), isang kanang anggulo mula sa pangunahing direksiyon."

Sa Pilipinas

Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang lalawigan ng Batanes. Nasa lalawigang ito ang Pulo ng Y'Ami (na tinatawag ding Pulo ng Mavulis) na pinakahilagang pulo ng bansa. Nasa hilaga ng bansa ang Bambang ng Bashi na isang makipot na daanang pantubig, at ang bansa ng Taiwan.

Mga palayaw na may mga titulong "Hilaga"

Binansagang "Primerang Lungsod ng mga Ibanag sa Hilaga" (Premier Ibanag City of the North) ang lungsod ng Tuguegarao sa hilagang Luzon dahil sentro ito ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng kalinangan at tradisyong Ibanag sa kabila ng pagbabago ng panahon.

Tingnan din

  • Nordisidad
  • Talaan ng pinakahilagang mga bagay

Mga kawingan

  • Kahulugan sa Diksiyonaryo.ph
  • May isang artikulo ang hilaga sa Wiktionary

In 173 languages

tlаԥсшәаAcèhAfrikaansAlemannischአማርኛaragonésالعربيةܐܪܡܝܐasturianuаварazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBasa BaližemaitėškaBatak TobaBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаяBetawiбългарскиBanjarবাংলাབོད་ཡིགbrezhonegbosanskiBasa Ugiбуряадcatalà閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄нохчийнCebuanoکوردیcorsučeštinaсловѣньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟчӑвашлаdanskDeutschZazakiKadazandusunΕλληνικάemiliàn e rumagnòlEnglishEsperantoespañoleestieuskaraestremeñuفارسیFulfuldesuomifrançaisNordfriiskfurlanFryskGaeilge贛語galegoگیلکیBahasa Hulontaloગુજરાતીwayuunaiki客家語 / Hak-kâ-ngîעבריתहिन्दीhrvatskiKreyòl ayisyenmagyarհայերենinterlinguaBahasa IndonesiaInterlingueгӀалгӀайíslenskaitaliano日本語JawaქართულიTaqbaylitTyapKongoKumoringқазақшаಕನ್ನಡ한국어перем комиکٲشُرRipoarischkurdîкомиLatinaLëtzebuergeschLugandalombardlingálaລາວlietuviųlatviešuमैथिलीBasa BanyumasanмокшеньMalagasyолык марийMinangkabauмакедонскиമലയാളംमराठीBahasa Melayuမြန်မာဘာသာэрзяньمازِرونیNapulitanoनेपालीNederlandsnorsk nynorsknorskNouormandoccitanਪੰਜਾਬੀKapampanganPapiamentupolskiپنجابیportuguêsRuna Simiromânăрусскийрусиньскыйсаха тылаsicilianuScotsسنڌيsrpskohrvatski / српскохрватскиTaclḥitසිංහලSimple EnglishslovenčinaslovenščinachiShonaSoomaaligashqipсрпски / srpskiSundasvenskaKiswahiliதமிழ்ತುಳುతెలుగుтоҷикӣไทยTürkçeтатарча / tatarçaئۇيغۇرچە / Uyghurcheукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetovepsän kel’Tiếng ViệtVolapükwalonWinaray吴语მარგალურიייִדישYorùbáVahcuenghⵜⴰⵎⴰⵣⵉⵖⵜ ⵜⴰⵏⴰⵡⴰⵢⵜ閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article