factograf
TL
Sign in

Healogo

Healogo
Isang healogo na nagsusukat ng katangian ng isang pumuputok na bulkan
Isang healogo na nagsusukat ng katangian ng isang pumuputok na bulkan

Ang healogo (o heolohista) ay isang uri ng siyentista na nag-aaral sa mga bagay na bumubuo sa daigdig at iba pang mga planeta, at sa mga prosesong humuhubog sa kanila. Ang pagsasagawa ng pag-aaral sa kapaligiran (field work) ay mahalagang bahagi ng trabaho ng isang healogo bagaman maaari rin silang magtrabaho sa laboratoryo o gumamit ng kompyuter.

Ilan sa mga larangan kung saan maaaring magtrabaho ang mga healogo ay ang paghahanap ng likas-yaman tulad ng petrolyo, batong-hiyas, mineral, pagkukunan ng metal, at mga batong pangkonstruksyon; sa pagpapababa ng risgo at epekto ng mga likas na panganib tulad ng lindol, bulkan, tsunami, pagbaha, at pagguho; sa pag-aaral at pagtalakay ng pagbabago ng klima at iba pang mga problemang pangkalikasan; sa pagtuturo ng dignayan sa mga paaralan; sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig at buhay nito sa pamamagitan ng pagkalap ng mga posil at stratigrapiya; at sa komunikasyon ng agham sa publiko.

Pagsasanay at pag-aaral

Karaniwang kailangang sumailalim sa pag-aaral ng mga asignaturang teoretikal at praktikal na sumasalamin sa iba't ibang sangay ng dignayan ang sinumang nagnanais na maging healogo. llan sa mga kakayanang dapat taglayin ng isang healogo ay ang kakayanang maglarawan at tumukoy ng mga bato at mineral, suriin ang kabuluhan ng mga ito, ipahiwatig ang heolohikal na kasaysayan ng isang lugar, at magsulat ng mga kaakibat ulat. Kailangan din nilang mag-aral at magsanay sa mga abanteng batayang asignatura ng agham tulad ng liknayan, sipnayan, kapnayan, at haynayan na may mga prinsipyong mahalaga rin sa pag-unawa ng mga penomenong heolohikal. Dagdag pa rito, kailangan ding magsanay ang nagnanais na maging healogo sa mga kaparaanan ng pagmamapa at paggamit ng geographic information system (GIS).

Espesyalisasyon

Napakarami ng sangay ng dignayan kung saan maaaring magsilbing espesyalista ang isang healogo. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Empleyo

Ang mga propesyunal na healogo ay nagtatrabaho para sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno, pribadong kumpanya, akademya, at mga organisasyong sibil-sosyedad o non-government organizations (NGOs). Tulad ng iba pang mga manggagawa, maaari silang kontraktwal o regular.

Mga larawan

Dalawang babaeng healogo na nagsisiyasat ng bato sa Antarctica
Dalawang babaeng healogo na nagsisiyasat ng bato sa Antarctica
Isang healogo na sinisiyasat ang isang silindro ng nabaraneng bato
Isang healogo na sinisiyasat ang isang silindro ng nabaraneng bato
Isang healogo na kumukuha ng lava sa Hawaii
Isang healogo na kumukuha ng lava sa Hawaii
Isang healogo na nagtitistis ng isang batong naglalaman ng posil
Isang healogo na nagtitistis ng isang batong naglalaman ng posil
Isang healogo na gumagamit ng mikroskopyo sa pagsusuri ng mga bato
Isang healogo na gumagamit ng mikroskopyo sa pagsusuri ng mga bato
5 images

Read next

In 50 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article