factograf
TL
Sign in

Haba

Haba

Ang haba ay isang sukat ng distansya. Sa International System of Quantities (Internasyunal na Sistema ng mga Kantidad), ang haba ay isang kantidad na may dimensyon na distansya. Sa karamihan ng mga sistema ng pagsusukat, isang yunit na base ang pinipili, mula dito ay hinango ang lahat ng ibang mga yunit. Sa Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit (SI), ang yunit na base para sa haba ay metro.

Karaniwang iniintidi ang haba bilang ang pinakamalawig na dimensyon ng isang pirming bagay. Bagaman, hindi laging ganito ang kaso at maari na dumipende sa posisyon kung saan naroon ang bagay.

Iba't iba ang katawagan ang ginagamit para haba ng isang pirming bagay at kabiliang dito ang taas, na ang patayong haba o laki, at lapad, lawak o lalim. Ginagamit ang taas kapag mayroong base na maaring kunin ang mga sukat na patayo. Kadalasang ginagamit naman ang lapad at lawak sa isang mas maikling dimensyon kapag ang haba ay ang pinakamahaba. Ginagamit ang lalim para sa ikatlong dimensyon ng bagay na tatlong dimensyon.

Isang sukat ang haba ng dimensyong espasyal, samantalang sinusukat ang sukat (o area) bilang panukat para sa dalawang dimensyon (pinarisukat na haba) at ang bolyum ay isang panukat para sa tatlong dimensyon (kinubong haba).

Read next

In 128 languages

tlAfrikaansaragonésअंगिकाالعربيةܐܪܡܝܐالدارجةasturianuAtikamekwazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBoarischžemaitėškaBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаябългарскиবাংলাbrezhonegbosanskicatalà閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄کوردیčeštinaчӑвашлаCymraegdanskDeutschΕλληνικάEnglishEsperantoespañoleestieuskaraestremeñuفارسیsuomifrançaisNordfriiskGaeilgekriyòl gwiyannengalegoHausa客家語 / Hak-kâ-ngîעבריתहिन्दीhrvatskiKreyòl ayisyenmagyarհայերենԱրեւմտահայերէնinterlinguaJaku IbanBahasa Indonesiaíslenskaitaliano日本語JawaქართულიTaqbaylitKabɩyɛқазақшаಕನ್ನಡ한국어къарачай-малкъарkurdîLatinaLëtzebuergeschLimburgsLigurelietuviųlatviešuमगहीмакедонскиമലയാളംмонголमराठीBahasa Melayuမြန်မာဘာသာPlattdüütschNederlandsnorsk nynorsknorskਪੰਜਾਬੀpolskiPiemontèisپنجابیportuguêsRuna SimiromânătarandíneрусскийрусиньскыйScotsسنڌيsrpskohrvatski / српскохрватскиTaclḥitSimple EnglishslovenčinaslovenščinachiShonashqipсрпски / srpskiSeeltersksvenskaKiswahiliSakizayaதமிழ்తెలుగుтоҷикӣไทยSetswanaTürkçeXitsongaукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetoTiếng ViệtWest-VlamsWinaray吴语მარგალურიייִדיש閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article