factograf
TL

Deepfake

Deepfake
Ang pekeng larawan ni Papa Francisco na suot ang puffer jacket, likha ng Midjourney
Ang pekeng larawan ni Papa Francisco na suot ang puffer jacket, likha ng Midjourney

Ang mga deepfake (pinagsamang mga salitang deep learning o malalim na pag-aaral at fake o huwad) ay mga larawan, video o audio na binago o binuo gamit ang artipisyal na katalinuhan (AI), mga kagamitang AI, o software sa paggawa ng audio at video. Maaaring maglarawan ang mga ito ng tunay o kathang-isip na mga tao at itinuturing ang mga ito na isang uri ng sintetikong midya, iyon ay ang midya na kadalasang ginagawa ng mga sistemang artipisyal na katalinuhan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang mga elemento ng midya para makagawa ng isang bagong awtput na midya.

Bagama't hindi na bago ang paggawa ng huwad na nilalaman, katangi-tangi ang mga deepfake dahil sa paggamit ng pagkatuto ng makina at mga pamamaraan ng artipisyal na katalinuhan, kabilang ang mga algoritmo sa pagkilala ng mukha at artipisyal na neural network tulad ng mga variational autoencoder (VAEs) at mga generative adversarial network (GANs). Bilang tugon, nagtrabaho ang mga dalubhasa sa larangan ng image forensics upang bumuo ng mga pamamaraan para matukoy ang mga larawang huwad. Nakatatawag-pansin ang mga deepfake dahil maaaring magamit ang mga ito sa paglikha ng materyales sa pang-aabusong seksuwal sa bata, mga video sa pornograpiya gamit ang mga larawan ng artista, revenge porn, pekeng balita, panlilinlang, paghahari-harian, at pandaraya sa pananalapi.

Ikinabahala ng mga akademiko ang kakayahan ng mga deepfake na magpalaganap ng disinformation at mapoot na salita, gayundin na manghimasok sa mga halalan. Bilang tugon, iminungkahi ng industriya ng teknolohiyang pang-impormasyon at ng mga pamahalaan ang mga rekomendasyon at pamamaraan upang matukoy at mabawasan ang paggamit ng mga ito. May malalim na pananaliksik din ng mga mananaliksik sa akademya sa mga salik ng onlayn na pakikitungo sa mga deepfake, pati na rin ang maaaring mga panlaban sa masamang paggamit ng mga deepfake.

Nagbago na ang teknolohiya sa deepfake, na gamit sa iba't ibang mga larangan tulad ng kinagisnang libangan at ng paglalaro. Sa pagbabagong ito mas nagiging kapani-paniwala ang deepfake at madaling magamit ng publiko, na nagpapagambala sa mga industriya ng libangan at midyang panlahat.


Mga karagdagang babasahin

  • Daniel Immerwahr, "Your Lying Eyes: People now use A.I. to generate fake videos indistinguishable from real ones. How much does it matter?", The New Yorker, ika-20 ng Nobyembre 2023, pp. 54–59. "If by 'deepfakes' we mean realistic videos produced using artificial intelligence that actually deceive people, then they barely exist. The fakes aren't deep, and the deeps aren't fake. [...] A.I.-generated videos are not, in general, operating in our media as counterfeited evidence. Their role better resembles that of cartoons, especially smutty ones." (pahina 59.)
  • Emmanouil Billis,"Deepfakes και Ποινικό Δίκαιο [Deepfakes and the Criminal Law]" (sa wikang Griyego). In: H. Satzger et al. (eds.), The Limits and Future of Criminal Law - Essays in Honor of Christos Mylonopoulos, Athens, P.N. Sakkoulas, 2024, pp. 689–732.

In 59 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article