factograf
TL

bahagi ng halaman kung saan nagaganap ang potosintesis

Dahon (halaman)

Dahon (halaman)

Ang isang dahon (Ingles: leaf) ay alinman sa mga pangunahing dugtungan ng isang baskyulang sanga ng halaman, ito ay karaniwang nadadala sa gilid sa itaas ng lupa at mahalaga para sa potosintesis.

Ang mga dahon ay karaniwan ay berde. May iba't-ibang sukat ang mga ito; maaring malaki o maliit tangan sa kung ano espesye ito ng halaman.

Kayarian ng dahon

Dayagram ng isang simpleng dahon. 1. Apex 2. Midvein (Primaryong ugat) 3. Sekondaryang ugat. 4. Lamina. 5. Mardyin ng dahon 6. Petiole 7. Bud 8. Sanga
Dayagram ng isang simpleng dahon. 1. Apex 2. Midvein (Primaryong ugat) 3. Sekondaryang ugat. 4. Lamina. 5. Mardyin ng dahon 6. Petiole 7. Bud 8. Sanga

Ang petiole ang kumokunekta sa dahon mula sa sanga. Ito ay mahalaga sapagkat dito kumukuha ang dahon ng mga inabsorbahang sustansya mula sa ugat ng halaman.

Ang leaf base naman ay kalapit lang ng petiole, ito ay prumoprotekta sa isang bago o batang axillary bud.

Ang lamina naman ay nahahati sa tatlong bahagi: (1) ang apex, (2) ang dulo ng leaf blade, (3) at ang mga litid o ugat ng dahon. Ito ang pinakamahalang bahagi ng dahon dahil dito nangyayari ang prosesong potosintesis.

Kahalagahan ng dahon

Isang anahaw
Ang anahaw ay may matitigas at malalawak na mga dahon

Mahalaga ang mga dahon sa halaman sapagkat ito ang nagbibigay pagkain dito sa pamamagitan ng prosesong potosintesis. Ang mga kloropil (chlorophyll), isang substansya na nagbibigay pagkakulay berde ng dahon, ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Kapag ang mga kloropil na nagtataglay ng mga kloroplast (chloroplasts) ay nakipag-ugnayan sa ilang mga ensima, ginagamit nito ang enerhiya para makuha mula sa tubig ang mga elementong idrohino at oksihino. Ang mga oksihinong ito ay inaalis mula sa dahon at pinapalitan ang mga lumang oksihino sa atmospera. Ang mga dahon din ay naglilinis ng ating hangin sa pamamagitan ng pag-absorba ng carbon dioxide.

Read next

In 159 languages

tlAfrikaansAlemannischaragonésÆngliscالعربيةঅসমীয়াasturianuAymar aruazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBasa BaliBoarischžemaitėškaBikol CentralBajau Samaбеларуская (тарашкевіца)беларускаябългарскиবাংলাབོད་ཡིགbrezhonegbosanskiBatak Mandailingcatalà閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄нохчийнکوردیcorsučeštinaчӑвашлаCymraegdanskDeutschdolnoserbskiΕλληνικάEnglishEsperantoespañoleestieuskaraفارسیsuomifrançaisarpetanNordfriiskFryskGaeilgeGàidhliggalegoAvañe'ẽGaelg客家語 / Hak-kâ-ngîעבריתहिन्दीhrvatskihornjoserbsceKreyòl ayisyenmagyarհայերենԱրեւմտահայերէնinterlinguaJaku IbanBahasa IndonesiaIñupiatunIdoíslenskaitalianoᐃᓄᒃᑎᑐᑦ / inuktitut日本語JawaქართულიQaraqalpaqshaTaqbaylitKabɩyɛTyapKumoringқазақшаಕನ್ನಡ한국어kurdîкыргызчаLatinaLëtzebuergeschlombardlingálalietuviųlatviešuMadhurâMalagasyMāoriмакедонскиമലയാളംमराठीкырык марыBahasa MelayuمازِرونیNāhuatlNapulitanoनेपालीNederlandsnorsk nynorsknorskNouormandoccitanOromooਪੰਜਾਬੀpolskiپنجابیپښتوportuguêsRuna Simiromânăarmãneashtiрусскийсаха тылаᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤsicilianuScotsسنڌيsrpskohrvatski / српскохрватскиසිංහලSimple EnglishslovenčinaslovenščinachiShonaSoomaaligashqipсрпски / srpskiSundasvenskaKiswahiliதமிழ்TayalತುಳುతెలుగుтоҷикӣไทยTürkçeSeediqтатарча / tatarçaئۇيغۇرچە / Uyghurcheукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetoTiếng ViệtwalonWinaray吴语ייִדישYorùbáVahcuengh文言閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文isiZulu

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article