factograf
TL
Sign in

DYAP

Key facts

araw ng pagtatag1998
ay halimbawa nghimpilan ng radyo
bansaPilipinas
nasa pampangasiwaang teritoryoLungsod ng Cebu
All data from the card 13
Lugar napinagsisilbihan
Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar
Frequency
88.3 MHz
Tatak
88.3 XFM
Wika
Cebuano, Filipino
Format
Contemporary MOR, News, Talk
Network
XFM
May-ari
Southern Broadcasting Network
Pinamamahala
Y2H Broadcasting Network
Unang pag-ere
1988
Dating pangalan
DYAP (1988–2001, 2010-2015)First FM (2001–2003)Mom's Radio (2003–2010, 2015-2018)
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power
10,000 watts
ERP
32,000 watts

Ang DYAP (88.3 FM), sumasahimpapawid bilang 88.3 XFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Southern Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Y2H Broadcasting Network, Inc. Ang estudio nito ay matatagpuan sa Unit 5, 2nd floor, Z Plaza Bldg., Dionisio Jakosalem St., Brgy. Zapatera, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa SBN Compound, San Carlos Heights, Quiot Pardo, Lugnsod ng Cebu.

Kasaysayan

Itinatag ang DYAP noong 1988, na may album rock na format. Nung panahong yan, nasa Crown Bldg. sa North Reclamation Area ang tahahan nito.

Noong 2001, naging First FM 88.3 ito na may adult Top 40 na format.

Noong huling bahagi ng 2003, naging Mom's Radio 88.3 na may format na nagsisilbi para sa mga babae, lalo na sa mga nanay. Lumipat ito sa Krizia Bldg. sa kahabaan ng Gorordo Ave.

Noong 2010, naging DYAP ito na tumutugtog lamang ng iba't ibang musika. Lumipat ito sa kanyang transmiter sa San Carlos Heights.

Noong Nobyembre 2015, bumalik sa ere ang Mom's Radio, na sumahimpapawid ito mula sa Maynila sa ilalim ng pamamahala ng Estima, Inc. Noong Pebrero 25, 2018, nawala ulit ito sa ere dahil sa problemang pangpinansyal.

Noong Setyembre 2022, kinuha ng Y2H Broadcasting Network ang mga operasyon ng himpilang at ginawa itong XFM na may halong musika at balita sa format nito. Sinimulan nito ang pagsuri noong Enero 26, 2023.

Noong Pebrero 13, 2023, inilunsad ng XFM Cebu ang lokal nitong programming.

Read next

In 2 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article