Ang Crotona o Crotone ;Italyano:; Neapolitan: Cutrone o Cutruni) ay isang lungsod at comune ng Lalawigan ng Crotona, rehiyon ng Calabria, Katimugang Italya.
Itinatag noong c. 710 BK bilang kolonya ng Achaea ng Croton / Kroton (Sinaunang Griyego: Κρότων o Ϙρότων Latin: Crotona), ito ay naging isang dakilang lungsod ng Gresya, tahanan ng kilalang matematiko-pilosopo na si Pitagoras kasama ng iba pang mga kilalang mamamayan, at isa sa pinakamahalagang sentro ng Magna Graecia.
Ito ay kilala bilang Cotrone mula noong Gitnang Kapanahunan hanggang 1928, nang ang pangalan nito ay binago sa kasalukuyan. Noong 1992, ito ay naging kabesera ng bagong tatag na kapangalang lalawigan.
Kasaysayan
Ang taluktok ng Kroton ay tinirhan ng mga katutubong populasyon, marahil mga Enotrio at Japigi, noong Panahon ng Bronse at Maagang Panahon ng Bakal.
Crotone sa panitikan
Binanggit sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas ang Crotone bilang kaharian ng lolo ni Florante.
