Ang Chiavari ay isang bayan na malapit sa Genova, sa Italya. Mayroon itong humigit-kumulang 28,000 naninirahan. Matatagpuan ito malapit sa ilog Entella.
Ang munisipal na teritoryo ay binubuo ng mga frazione ng Campodonico, Maxena, Sanguineto, Sant'Andrea di Rovereto sa kabuuang 12.23 km².
Ito ay sikat sa buong mundo dahil sa disenyo nito; ang pinakakilalang halimbawa ay ang upuang Chiavari (tinatawag na "chiavarina").
Kasaysayan

Panahong preromano at Romano
Ang isang preromanong nekropolis, na mula noong ika-8 hanggang ika-7 siglo BK, ay natuklasan sa lugar kung saan matatagpuan ang Chiavari ngayon. Ang Chiavari ay umunlad sa mga bakas ng isang kampong Romano sa Via Aurelia.
Palakasan
Noong 2014 ang ng koponan ng football na Virtus Entella ay naiangat sa Italyanong Serie B sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan at naibalik sa pangatlong dibisyon matapos ang 4 na taon noong 2018.
Mga panlabas na link
May kaugnay na midya ang Chiavari sa Wikimedia Commons
- Opisyal na website (sa Italyano)
- "Chiavari". New International Encyclopedia. 1905.
