factograf
TL
Sign in

Castro, Apulia

Castro, Apulia

Key facts

populasyon2,365
labuwad4.56km²
ay halimbawa ngmunisipalidad ng Italya
bansaItalya
nasa pampangasiwaang teritoryoLalawigan ng Lecce
All data from the card 17
Bansa
Italya
Rehiyon
Apulia
Lalawigan
Lecce (LE)
Mga frazione
Castro Marina
• Mayor
Luigi Fersini
• Kabuuan
4.56 km2 (1.76 milya kuwadrado)
Taas
100 m (300 tal)
• Kabuuan
2,395
• Kapal
530/km2 (1,400/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugar
Castrensi o Castrioti
Sona ng oras
UTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
73030
Kodigo sa pagpihit
0836
Santong Patron
Maria SS. Annunziata (pangunahin) at Santa Dorotea
Saint day
Abril 25 at Pebrero 6
Websayt
Opisyal na website
Castro Marina.
Castro Marina.

Ang Castro (Salentino: Casciu) ay isang bayan at komuna sa Italyanong lalawigan ng Lecce sa rehiyon ng Apulia ng timog-silangang Italya.

Heograpiyang pisikal

Ito ay nasa hangganan sa hilaga ng munisipalidad ng Santa Cesarea Terme, sa hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Ortelle, sa timog ng munisipalidad ng Diso (kung saan ito ay ihiniwalay noong 1975), at sa silangan ay tinatanaw nito ang dagat.

Kasaysayan

Kinuha ang pangalan ng Castro mula sa Castrum Minervae (Latin para sa "kastilyo ni Atenea"), na isang sinaunang bayang Sallentini, mga 15 kilometro (9 mi) timog ng Hydruntum. Ang sinaunang templo nito ng Minerva ni sinasabing itinatag ni Idomeneo, na bumuo ng tribo ng Sallentini mula sa pinaghalong mga Cretense, Ilirio, at Italyanong Locrio (Gitnang Griyegong tribo).

Sinasabi rin na ito ang pook kung saan unang lumapag si Eneas sa Italya, ang daungan na pinangalanan niyang Portus Veneris ("Daungan ni Venus"). Ang templo ay nabawasan ng halaga noong panahon ni Estrabon.

Mga monumento at tanawin

Arkitekturang militar

Pader

Ang mga pader ng lungsod na nakapalibot sa makasaysayang sentro ng Castro ay umaabot sa kabuuang haba na humigit-kumulang 700 metro at pinatibay ng kahanga-hangang kastilyo at ilang mga tore. Ang mga pader ay pinanatili ng mga pyudal na panginoon hanggang 1806, ang taon kung kailan inalis ang piyudalismo. Sa paglipas ng mga dekada, ang malaking bahagi ng pader ay nagsilbing pundasyon para sa mga bahay na nakahanay sa paligid ng sinaunang bayan; gayunpaman, nananatili ang mahahabang bahagi ng pader na kurtina at apat na tore at mga balwarte na may iba't ibang laki at hugis.

Ekonomiya

Ang ekonomiya ng lungsod ay pangunahing nakasalalay sa turismo sa tabing-dagat at mga kaugnay na sektor. Ang pangingisda, na dating mahalaga sa lokal na ekonomiya, ngayon ay isang niche na industrya. Sa mga nakaraang taon, ang bilang ng mga akomodasyon at pasilidad ng turista sa bayan ay tumaas nang malaki. Sa kabaligtaran, ang maliliit na negosyo ay lalong nahihirapan dahil sa patuloy na paglago ng malalaki at katamtamang laki ng mga shopping center sa lugar at sa mga kalapit na bayan.

Read next

In 47 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article