factograf
TL
Sign in

Automaton

Automaton

Isang automaton ( ; pl. automata) ay isang makinang kusang gumagana o mekanismo ng kontrol na idinisenyo upang awtomatikong sumunod sa isang pagkakasunod-sunod ng mga operasyon o tumugon sa mga paunang natukoy na tagubilin. Ang ilang automaton, tulad ng mga tanyedor ng kampana sa mga mekanikal na orasan, ay idinisenyo upang magbigay ng ilusyon sa kaswal na tagamasid na ang mga ito ay gumagana sa ilalim ng kanilang sariling kapangyarihan o kagustuhan, tulad ng isang mekanikal na robot. Ang terminong ito ay matagal nang karaniwang iniuugnay sa mga awtomatikong puppet na kahawig ng mga gumagalaw na tao o hayop, na ginawa upang pahangain at/o aliwin ang mga tao.

Ang mga animatronika ay isang modernong uri ng automata na may elektroniko, na kadalasang ginagamit para sa paglalarawan ng mga karakter o nilalang sa mga pelikula at sa mga atraksiyon sa liwasang may-tema.

Etimolohiya

Ang salitang automaton ay ang Latinisasyon ng Sinaunang Griyegong automaton (αὐτόματον), na nangangahulugang "pagkilos ayon sa sariling kagustuhan". Una itong ginamit ni Homer upang ilarawan ang isang awtomatikong pagbubukas ng pinto, o awtomatikong paggalaw ng mga tripod na may gulong. Mas madalas itong ginagamit upang ilarawan ang mga makinang gumagalaw na hindi elektroniko, lalo na iyong mga ginawa upang maging kamukha ng mga kilos ng tao o hayop, tulad ng mga jack sa mga lumang pampublikong orasan, o ang kuko at anumang iba pang animated na pigura sa isang orasang kuko.

Kasaysayan

Ang aklat na Hinggil sa Automata ni Heron ng Alejandria (1589)
Ang aklat na Hinggil sa Automata ni Heron ng Alejandria (1589)
Ang mekanismong Antikythera mula noong c. 200–80 BC ay dinisenyo upang kalkulahin ang mga posisyon ng mga bagay na pang-astronomiya.
Ang mekanismong Antikythera mula noong c. 200–80 BC ay dinisenyo upang kalkulahin ang mga posisyon ng mga bagay na pang-astronomiya.
2 images

Sinauna

Maraming halimbawa ng automata sa mitolohiyang Griyego: Si Hefesto ang lumikha ng automata para sa kaniyang pagawaan; Si Talos ay isang artipisyal na tao na gawa sa bronse; Si Haring Alsinoo ng mga Phaiakian ay gumamit ng mga asong bantay na ginto at pilak. Ayon kay Aristoteles, gumamit si Dedalo ng asoge upang mapagalaw ang kaniyang estatwa ni Aphrodite na gawa sa kahoy. Sa iba pang mga alamat ng Griyego, gumamit siya ng asoge upang magtalaga ng boses sa kaniyang mga gumagalaw na estatwa.

Ang mga automata sa mundong Helenistiko ay inilaan bilang mga kagamitan, laruan, panooring pangrelihiyon, o mga prototipo para sa pagpapakita ng mga pangunahing prinsipyong siyentipiko. Maraming automata na pinapagana ng tubig ang ginawa ni Tesibius, isang Griyegong imbentor at ang unang pinuno ng Dakilang Aklatan ng Alejandria; halimbawa, "gumamit siya ng tubig upang magpatunog ng sipol at gumawa ng galaw ng isang modelo ng kuwago. Siya ang nag-imbento ng unang 'cuckoo clock ' sa mundo. Nagpatuloy ang tradisyong ito sa Alejandria kasama ang mga imbentor tulad ng Griyegong matematiko na si Heron ng Alejandria (minsan ay kilala bilang Heron), na ang mga sulatin tungkol sa idrawlika, numatika, at mekanika ay naglalarawan ng mga sipon, isang makinang pang-apula ng apoy, isang idrawlis, ang eolipila, at isang napoprogramang kariton. Si Filon ng Bisansiyo ay naging tanyag dahil sa kaniyang mga imbensiyon.

Renasimyento at maagang moderno

Nasaksihan ng Renasimyento ang isang malaking muling pagkabuhay ng interes sa automata. Ang mga tratado ni Heron ay pinamatnugutan at isinalin sa Latin at Italyano. Ang mga idrawliko at numatikong automata, katulad ng mga inilarawan ni Heron, ay nilikha para sa mga groto sa hardin.

Si Giovanni Fontana, isang inhinyerong Paduano noong 1420, ay bumuo ng Bellicorum instrumentorum liber na kinabibilangan ng isang puppet ng isang kamelyo na minamaneho ng isang nakadamit na primata na doble ang taas ng isang tao at isang automaton ni Maria Magdalena. Lumikha rin siya ng mga mekanikal na demonyo at mga automata ng hayop na pinapaandar ng kohete.

Mga sanggunian


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2

Read next

In 41 languages

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article