factograf
TL

Florida

Florida

Key facts

populasyon21,538,187
labuwad170,304km²
ay halimbawa ngEstado ng Estados Unidos
bansaEstados Unidos ng Amerika
kabiseraTallahassee
araw ng pagtatagMarso 3, 1845
puno ng pamahalaanRon DeSantis
kontinenteHilagang Amerika
nasa pampangasiwaang teritoryoEstados Unidos ng Amerika
opisyal na wikaIngles
All data from the card 20
Bansa
Estados Unidos
Bago naging estado
Florida Territory
Sumali sa Unyon
March 3, 1845 (27th)
Kabisera
Tallahassee
Pinakamalaking lungsod
Jacksonville
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugar
Miami metro area
• Gobernador
Ron deSantis (Republican)
• Gobernador Tinyente
Carlos López-Cantera (Republican)
Lehislatura
Florida Legislature
• Mataas na kapulungan
Senate
• [Mababang kapulungan
House of Representatives
Mga senador ng Estados Unidos
Marco Rubio (Republican)Rick Scott (Republican)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos
17 Republicans, 10 Democrats
• Kabuuan
20,271,272 (2,015 est)
• Kapal
353.4/milya kuwadrado (136.4/km2)
• Opisyal na wika
English
• Sinasalitang wika
Predominantly English and Spanish
Tradisyunal na pagdadaglat
Fla.
Latitud
24° 27' N to 31° 00' N
Longhitud
80° 02' W to 87° 38' W

Ang Florida (bigkas: /fló·ri·dä/; Espanyol: "lupain ng mga bulaklak") ay isang estado na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng Estados Unidos. Ang estado ay pinapaikutan ng Golpo ng Mehiko sa kanluran, Alabama at Georgia sa hilaga, Karagatang Atlantic sa silangan, at ng Straits of Florida at Cuba sa timog. Ang Florida ay ang ika-22 pinakamalawak, ang ika-3 pinakamatao, at ang ika-8 pinakamakapal ang populasyon na Estado ng Estados Unidos. Ang Jacksonville ay ang pinakamataong lungsod sa Florida, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa sukat sa Kalupaang Estados Unidos. Ang Miami metropolitan area ay ang ikawalong pinakamalaking metropolitan area sa Estados Unidos. Ang Tallahassee ay ang kabisera ng estado.

Isang tangway sa pagitan ng Golpo ng Mexico, ng Karagatang Atlantiko, at ng Straits of Florida, ito ay ang may pinakamahabang baybayin sa Kalupaang Estados Unidos, humigit-kumulang 1,350 milya (2,170 km), at ito ay ang tanging estado na kapuwa hinangganan ng Golpo ng Mexico at ng Karagatang Atlantiko. Malaking bahagi ng estado ay nasa o malapit sa pantay-dagat (sea level) at may latak (sedimentary) na lupa. Ang klima ay nag-iiba mula sa subtropikal sa hilaga hanggang tropikal sa timog. Ang American alligator, American crocodile, Florida panther, at manati ay matatagpuan sa Everglades National Park.

Mula nang unang madayo ng mga Europeo ang pook noong 1513 sa katauhan ni Kastilang eksplorador Juan Ponce de León – na pinangalanan ang pook na La Florida ( "lupain ng mga bulaklak") sa landing doon sa panahon ng pasko ng Pagkabuhay, Pascua Florida – ang Florida ay isang hamon para sa Europeong mananakop bago makuha nito ang pagiging estado ng Estados Unidos noong 1845. Ito ay isang pangunahing lokasyon ng Digmaang Seminole laban sa mga Katutubong Amerikano, at racial segregation pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.

Ngayon, ang Florida ay katangi-tangi para sa malaking pamayanan ng expatriate mula Cuba at mataas na paglago ng populasyon, pati na rin ng pagtaas ng mga isyu sa kapaligiran. Ang ekonomiya ng estado ay nakasalalay higit sa lahat sa turismo, agrikultura, at transportasyon, na umunlad sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang Florida ay kilala rin sa mga amusement park, pananim na dalandan, ang Kennedy Space Center, at isang popular na destinasyon para sa mga magreretiro.

Ang kultura ng Florida ay salamin ng mga impluwensya at maraming pamana; mga pamanang Katutubong Amerikano, Europeong Amerikano, Hispanico, at Aprikanong Amerikano ay matatagpuan sa arkitektura at lutuin. Ang Florida ay nakaakit ng maraming manunulat tulad nina Marjorie Kinnan Rawlings, Ernest Hemingway at Tennessee Williams, at ay patuloy na nag-aakit ng mga sikat na artista at atleta. Ito ay kilala sa daigdig para sa golf, tennis, auto racing at water sports.

Kapatid na estado

Hurisdiksyon Bansa Taon
Languedoc-Roussillon France 1989
Taiwan Province Taiwan, R. O. C. 1992
Wakayama Prefecture Japan 1995
Western Cape South Africa 1995
Nueva Esparta Venezuela 1999
Kyonggi South Korea 2000

Read next

In 212 languages

tlAfrikaansAlemannischአማርኛaragonésÆngliscالعربيةܐܪܡܝܐالدارجةمصرىasturianuAymar aruazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBasa BaliBoarischžemaitėškaBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаяBetawiбългарскиभोजपुरीBislamaবাংলাབོད་ཡིགবিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরীbrezhonegbosanskiбуряадcatalàChavacano de Zamboanga閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄нохчийнCebuanoکوردیcorsuqırımtatarcačeštinaчӑвашлаCymraegdanskdagbanliDeutschZazakieʋegbeΕλληνικάemiliàn e rumagnòlEnglishEsperantoespañoleestieuskaraفارسیFulfuldesuomiNa Vosa VakavitiføroysktfrançaisarpetanNordfriiskFryskGaeilgeGagauzGàidhliggalegoAvañe'ẽ𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺GaelgHausa客家語 / Hak-kâ-ngîHawaiʻiעבריתहिन्दीFiji HindihrvatskihornjoserbsceKreyòl ayisyenmagyarհայերենԱրեւմտահայերէնinterlinguaJaku IbanBahasa IndonesiaInterlingueIgboIñupiatunIlokanoIdoíslenskaitalianoᐃᓄᒃᑎᑐᑦ / inuktitut日本語PatoisJawaქართულიQaraqalpaqshaKabɩyɛKumoringқазақшаಕನ್ನಡYerwa Kanuri한국어къарачай-малкъарکٲشُرkurdîkernowekкыргызчаLatinaLadinoLëtzebuergeschлезгиLingua Franca NovaLimburgsLigureLadinlombardລາວlietuviųlatviešuमैथिलीMalagasyолык марийMāoriMinangkabauмакедонскиമലയാളംмонголꯃꯤꯇꯩ ꯂꯣꯟमराठीкырык марыBahasa Melayuမြန်မာဘာသာمازِرونیNedersaksiesPlattdüütschनेपालीनेपाल भाषाNederlandsnorsk nynorsknorskDiné bizaadoccitanиронਪੰਜਾਬੀKapampanganPapiamentuPicardपालिpolskiPiemontèisپنجابیپښتوportuguêsRuna Simirumantschromânăрусскийрусиньскыйसंस्कृतम्саха тылаᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤsardusicilianuScotsسنڌيdavvisámegiellasrpskohrvatski / српскохрватскиසිංහලSimple EnglishslovenčinaslovenščinaanarâškielâchiShonaSoomaaligashqipсрпски / srpskiSeeltersksvenskaKiswahiliślůnskiதமிழ்తెలుగుтоҷикӣไทยtolışitoki ponaTürkçeтатарча / tatarçachiTumbukaئۇيغۇرچە / Uyghurcheукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetoTiếng ViệtWest-VlamsVolapükWinaray吴语isiXhosaმარგალურიייִדישYorùbáVahcuenghZeêuws文言閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文isiZulu

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article