factograf
TL
Sign in

isang bahagi ng Nagkakaisang Kaharian

Hilagang Irlanda

Hilagang Irlanda

Key facts

populasyon1,852,168
labuwad14,130km²
bansaUnited Kingdom
kabiseraBelfast
araw ng pagtatagMayo 8, 1921
puno ng pamahalaanMichelle O'Neill
kontinenteEuropa
nasa pampangasiwaang teritoryoUnited Kingdom
pananalapilibra esterlina
opisyal na wikaIngles
All data from the card 12
Bansa
United Kingdom
Itinatag
8 Mayo 1921
Kabisera
Belfast
• Uri
Monarkiyang konstitusyonal
• Konseho
Northern Ireland Assembly
• First Minister of Northern Ireland
Michelle O'Neill
• Kabuuan
14,130 km2 (5,460 milya kuwadrado)
• Kabuuan
1,852,168
• Kapal
130/km2 (340/milya kuwadrado)
Sona ng oras
UTC+00:00, Europe/Belfast, UTC+01:00
Kodigo ng ISO 3166
GB-NIR
Wika
Ingles, Wikang Irlandes

Ang Hilagang Irlanda (Ingles: Northern Ireland, Irlandes: Tuaisceart Éireann   ; Ulster-Eskoses: Norlin Airlann) ay iba't iba ang pagsasalarawan bilang isang bansa, lalawigan, o rehiyon na bahagi ng Reino Unido. Matatagpuan sa hilagang-silangan ng pulo ng Irlanda, ibinabahagi ang hangganan nito sa timog at kanluran sa Republika ng Irlanda. Noong 2011, mayroon itong populasyon na 1,810,863, na binubuo ng mga 30% na populasyon ng pulo at mga 3% ng populasyon ng Reino Unido. Ang Asembliya ng Irlanda (kolokyal na tinutukoy bilang Stormont dahil sa lokasyon nito), ay itinatag sa pamamagitan ng Batas ng Hilagang Irlanda ng 1998, na may responsibilidad sa iba't ibang pabago-bagong polisiya, habang nakareserba ang ibang larangan sa pamahalaang Britaniko. May kooperasyon ang Hilagang Irlanda at Republika ng Irlanda sa ilang parte.

Nalikha ang Hilagang Irlanda noong 1921, nang hinati ang Irlanda sa pamamagitan ng Batas ng Pamahalaan ng Irlanda ng 1920. Karamihan sa populasyon ng Hilagang Irlanda ay unyonista, na gustong manatili sa Reino Unido. Pangkalahatan silang inapo ng kolonista mula sa Gran Britanya. Habang ang mayorya sa Katimugang Irlanda (na naging Malayang Estadong Irlandes noong 1922), at isang mahalagang minorya sa Hilagang Irlanda, ay nasyonalistang Irlandes at mga Katoliko na nais ang isang pinag-isang malayang Irlanda. Ngayon, tinitingnan ng mga unyonista ang kanilang sarili bilang Britaniko habang ang mga nasyonalista naman bilang Irlandes, habang ang identidad na Hilagang Irlandes o Ulster ay inaangkin ng isang malaking minorya na mula sa iba't ibang pinagmulan.

Heograpiya

Mga Kondado

Ang Hilagang Irlanda ay naglalaman ng anim na makasaysayang mga kondado. Ang mga ito ay: County Antrim, County Armagh, County Down, County Fermanagh, County Londonderry, at County Tyrone.

Ang mga kondadong ito ay hindi na ginagamit bilang lokal na pamahalaan sapagkat pinalitan nila ito ng labing isang distrito na pinalitan rin ang dalawangpu't anim na distrito noong 2015.

Mga lungsod at bayan

Ang sampung pinakapopuladong mga lungsod at bayan sa Hilagang Irlanda ay:

1 Belfast 334,420
2 Derry 84,750
3 Lisburn 71,403
4 Greater Craigavon 68,890
5 Newtownabbey 66,120
6 Bangor 62,650
7 Ballymena 30,590
8 Newtownards 28,860
9 Newry 28,080
10 Carrickfergus 27,640

Read next

In 190 languages

tlAfrikaansAlemannischአማርኛaragonésÆngliscالعربيةالدارجةمصرىasturianuazərbaycancaتۆرکجهбашҡортсаBasa BaliBoarischBikol Centralбеларуская (тарашкевіца)беларускаяBetawiбългарскиभोजपुरीပအိုဝ်ႏဘာႏသာႏবাংলাbrezhonegbosanskiбуряадcatalàChavacano de Zamboanga閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄CebuanoکوردیčeštinaчӑвашлаCymraegdanskDeutschZazakidolnoserbskiडोटेलीΕλληνικάEnglishEsperantoespañoleestieuskaraestremeñuفارسیsuomiføroysktfrançaisNordfriiskFryskGaeilgeGàidhliggalegoگیلکیAvañe'ẽगोंयची कोंकणी / Gõychi KonknniગુજરાતીGaelgHausa客家語 / Hak-kâ-ngîעבריתहिन्दीhrvatskihornjoserbsceKreyòl ayisyenmagyarհայերենinterlinguaBahasa IndonesiaInterlingueIlokanoIdoíslenskaitaliano日本語JawaქართულიTaqbaylitKabɩyɛKumoringқазақшаភាសាខ្មែរಕನ್ನಡ한국어къарачай-малкъарکٲشُرkurdîkernowekкыргызчаLatinaLëtzebuergeschLingua Franca NovaLimburgsLigureLadinlombardlingálaລາວlietuviųlatviešuमगहीMalagasyмакедонскиമലയാളംмонголꯃꯤꯇꯩ ꯂꯣꯟဘာသာမန်मराठीBahasa MelayuMaltiMirandésမြန်မာဘာသာمازِرونیNapulitanoNedersaksiesPlattdüütschनेपालीNederlandsnorsk nynorsknorskNovialNouormandoccitanlivvinkarjalaиронਪੰਜਾਬੀPicardpolskiPiemontèisپنجابیپښتوportuguêsRuna Simirumantschromani čhibromânăarmãneashtiрусскийсаха тылаsardusicilianuScotsسنڌيsrpskohrvatski / српскохрватскиတႆးසිංහලSimple EnglishslovenčinaslovenščinaanarâškielâSoomaaligashqipсрпски / srpskiSeelterskSundasvenskaKiswahiliதமிழ்తెలుగుtetunтоҷикӣไทยTürkmençetolışilea faka-Tongatoki ponaTok PisinTürkçeтатарча / tatarçaудмуртукраїнськаاردوoʻzbekcha / ўзбекчаvènetoTiếng ViệtWest-VlamsVolapükwalonWinaray吴语isiXhosaმარგალურიייִדישYorùbáZeêuws閩南語 / Bân-lâm-gí粵語中文

Text from Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Source article